PAGOD NA AKONG MASAKTAN | SPOKEN POETRY | MERCY BLESS - COLLAB FOR ALL


MERCY BLESS

8,861 views

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
π—£π—”π—šπ—’π—— 𝗑𝗔 π—”π—žπ—’π—‘π—š π— π—”π—¦π—”π—žπ—§π—”π—‘
written by: Mark Dave Faner
voice & edit: Mercy Bless

hanggang kailan ko ba mararanasan maging ganito?
yung palaging nabibiktima nang walang label.
pano ko ba ilalathala to?
pano ko sisimulan ang isang bagay
na hindi ko kayang tanggapin na may katapusan?

Show More

pero kailangan. kasi mahal kita.
oo hindi naging tayo pero binigay ko lahat sayo.
inintindi kita sa lahat.
sa abot nang makakaya ko.

pinasaya kita sa paraang alam ko.
minahal kita nang higit pa sa alam ko.
dahil akala ko yun ang tama.
dahil pinaniwala mo ako sa mga sinasabi mo
na mahal mo din ako.

na ayaw mokong mawala
pero ikaw mismo ang nagpaparamdam
na baliwala nalang ako sayo.

mahal pa kita pero hindi na kita madama.
hindi ko madama yung ikaw na nagsabing
'andito lang ako palagi para sayo'

nasan ka na?
nasan na yung pinangako mo?
hanggang sa dumating tayo sa punto na
parang sinabi mo na hindi mo tanggap kung ano ako
kung sino ako.

bakit ngayon lang?
bakit ngayon mo lang sinabi
kung kailang sobrang lalim na?

bakit pinaniwala mo pa ko na okay tayo?
heto tayo ngayon,
magka iba na nang mundong ginagalawan.

nagkaron na nang katapusan
ang pinangakong walang hanggan.
mahal na mahal kita
pero kailangan na kitang palayain
palayain upang sarili ko naman
ang aking mahalin

pagod na kong masaktan.
pagod nakong mabaliwala.
pagod nakong maniwala
sa mga sa pangakong nauuwi lang sa wala

mali pala ako na pinaikot ko yung mundo ko sayo
dapat pala pinaikot ko yung mundo ko sa mundo.
at hindi sayo lang.
mahal na mahal kita
pero paalam

Facebook Page
https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-102417664695351

Tiktok
tiktok.com/@mercy.bless

Business Email
mercyblesscollaboration@gmail.com

Open Collab for all
- send your original piece here :)
spokenwordpoetry17@gmail.com

Spotify
in God's

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press