Pagsunod Ang Susi sa Himala Part 4


Sa mensaheng ito ay mattutunan mo na ang pagsunod ay ang susi sa himla galing sa Diyos. Kaibigan, napansin mo ba? Maraming kwento sa Bibliya na kung saan ang mga himala ng Diyos ay nangyari dahil sa simpleng pagsunod. Naalala mo si Noah? Nang sinabi ng Diyos na magtayo siya ng malaking arko kahit wala namang ulan, sumunod siya. At dahil doon, naransan niya ang himala, naligtas ang pamilya niya sa baha. O kaya si Abraham, na inutusan ng Diyos na iwan ang kanyang tahanan at pumunta sa lugar na hindi niya alam. Sumunod siya, at dahil sa kanyang pananampalataya, naging ama siya ng isang malaking bansa.

Isa pang kwento ay si Moises. Inutusan siya ng Diyos na itaas ang kanyang tungkod sa harap ng dagat. Bagay na parang imposible, pero nang sumunod siya, bumuka ang dagat, at ang buong Israel ay nakatawid sa tuyong lupa! Kaibigan, sa bawat kwento ng himala, may isang bagay ang makikita mo—nagsisimula ang lahat sa pagsunod. Hindi man laging madali o malinaw, pero sa bawat hakbang ng pananampalataya, may naghihintay na milagro.

Show More

Kaya huwag kang bibitaw. Tapusin mo ang vlog na ito, at sama-sama nating tuklasin kung paano ang pagsunod sa Diyos ay magdadala sa atin ng mga bagay na higit pa sa nai-imagine natin. Susi ito sa mga himalang nais Niyang iparanas sa'yo.

Obedience is the Key to Miracles
1- Obey even when it's beyond your understanding.
2- Obey to partner with God.
3- Obey to experience more than you can imagine.

Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Wotg Tagalog Bible Study: https://bit.ly/YT-WotgTagalogBibleStudy
Message Scipt: https://bit.ly/SCRIPT-PagsunodAngSusiSaHimalaPart4
Life Application and Missional Guide (LAMG): https://bit.ly/LAMG--PagsunodAngSusiSaHimalaPart4
Join the Journey: Daily Encouragement and Inspiration: https://forms.gle/DwnYNTfuM9rMRv1DA

BACKGROUND MUSIC FROM YOUTUBE AUDIO LIBRARY
Beseeched - Asher Fulero

#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press