PAGTANGGAP | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

185 views

Pagtanggap"
By: Sammy Tribunalo
PRODUCED BY: MERCY BLESS

naaalala mo pa ba?
yung mga panahong ikaw at ako palang at wala pang iba?
yung mga masasayang panahon na tayo'y magkasama?
at nung mga araw na ang ikot ng mga mundo nati'y para sa isa't isa pa?
naaalala mo pa ba kung pano nagsimulang magkaron ng salitang "tayo"? 
samantalang nung una'y wala naman akong pake sayo,
isa ka lang namang ordinaryong tao sa paningin ko,
pero dumating ka at sinabing guguluhin mo ang tahimik kung mundo.
oo aaminin kung nag kasala ako , pero ilang besis akong lumuhod para lang mapatawad mo. nag maka awang ibalik ang dating tayu,  tumango ka ata akala koy okay na ,yun palay akala ko lang pala, bakit ganun ka ,nung ikaw ang nagkasala ni isang salita wala kang na tanggap mula sa aking baba, nagkasala ka man ay tinanggap parin kita na buong buo at minahal nang buong puso.
bakit mahal? nung una tinanong kita kung may mahal kang iba ang sabi moy wala
mga salita mo na pinanghahawakan  ko,
ang wawasak pala sa aking puso.
mga ala-alang sabay nating binuo,
ngayo'y parang wala nang halaga sa iyo,
masakit pero tatanggapin ko,
na kinakailangan ko nang sanayin ang sarili kong wala sa piling mo.
pero pano ko sisimulan ang paglimot sayo,
kung sa tuwing pipikit ako mukha mo ang nakikita ko,
mga ala-ala nating magkasama ang laman ng bawat panaginip ko,
at di ka kayang palitan nitong puso ko.
pero hayaan mo,
aaminin kong mahirap 'to,
gugugulin ko ang panahon ko,
tatalikuran ko ang mga ala-alang magkasama tayo,
at piilitin kong gumising kahit na wala ka na sa buhay ko,
nais ko lang na sumaya ka sa buhay mo kahit di na ako parte nito, gagawin ko kahit ano,
gagawin ko kahit pa nasasaktan at madudurog ang puso ko,
alang-alang sa ikaliligaya mo, 
mahal ko,
pagtanggap ng buong puso na wala ng "tayo" ay kakayanin ko.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press