Pakainin mo sila ng positibong salita
Pinupuri ka ng mga taong mainggitin para sumaya ka at para makadikit sila sa 'yo dahil may gusto silang makuha sa 'yo. Kapag insecure ang isang tao, halos lahat ng ginagawa mo, pinupuri nila. Kahit ang mga maliliit na bagay, na hindi naman dapat pinupuri, pinupuri pa rin nila para hindi mo mapansin na naiinggit sila sa 'yo. Napakagaling nilang magtago sa kanilang maskara. Pero sa kaloob-looban nila, nag-aapoy na pala sa inggit. Ano ang dapat mong gawin? Bigyan mo sila ng TUNAY NA PAPURI. Kung ang isang tao ay insincere sa 'yo at pinipeke ang mga papuri nila, ang pinakamahusay na paraan upang harapin ito ay 'wag kang gumanti ng gan'on. Give them genuine compliments whenever you feel that they deserve them. May kulang sa kanilang puso at punan mo na lang 'yon. Pakainin mo sila ng positibong salita. Maging mabuting halimbawa ka sa kanila.











