PANALANGIN ni #FrJunSescon ngayong Araw ng mga Ama | #QuiapoChurch #FathersDay


Quiapo Church

256 views

Mahal na Poong Jesus Nazareno, nais po naming maging bahagi ng Iyong Kaharian at dito pa lang sa lupa maghari nawa ang Iyong Kapangyarihan sa amin. Maghari ka sa aming puso, minsan puno kami ng ligalig, galit, pag-aalala, litong-lito kami, naliligaw kami, natutukso kami at minsan ay kumakapit kami sa patalim, at sumasang-ayon sa kasalanan. Maghari ka sa amin, linisin N’yo po kami.

Mahal na Poong Jesus Nazareno, nakikinig po kami ngayon. Ano po ba ang dapat naming gawin? Ano ang dapat naming simulan na hanggang ngayo’y ipinagpapaliban namin? Ano rin po ang dapat naming ipagkatiwala sa Inyo? Patawad po kung minsan inilalagay na namin sa aming mga kamay ang lahat-lahat sa buhay. Patawad po kung minsan nais naming kami ang laging masunod. Kaya nga minsan parang inuutusan ka na lang namin at kaya lang kami pumupunta sa Iyo dahil may hinihingi kami sa Iyo.

Show More

Narito po kami ngayon, ipinagkakatiwala ang lahat sapagkat alam namin kayo po ang makapangyayari sa lahat, kayo po ang may hawak sa lahat-lahat sa aming buhay. Ano po ang dapat naming gawin, lalo na ang mabuti at tama? Ano po ang dapat naming ipagkatiwala upang mangyari na ang himala?

Mahal na Poong Jesus Nazareno, kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!🙏

Araw ng DIYOS! Araw ng SIMBAHAN! Araw ng mga AMA!
Munting Panalangin ni Rdo. P. Jun Sescon, Jr.
ngayong Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon

#QuiapoChurch #FathersDay #ArawNgMgaAma #SaintJoseph #SanJose #EverythingIsGrace #BiyayaSaQuiapo #Prayer #Nazareno #JesusNazareno #BlackNazarene #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #SimbahanNgQuiapo #Catholic #Katoliko #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press