#Panalangin ni #FrJunSescon ngayong Biyernes ng Ika-5 Linggo ng #Kuwaresma | #QuiapoChurch
Quiapo Church
#Panalangin ni Rdo. P. Jun Sescon, Jr.
Kalakbay at Pastol ng Quiapo
Mahal na Poong Jesus Nazareno, papalapit na ang mga #MahalNaAraw. Gugunitain namin ang ‘Yong dakilang pag-ibig at awa. Marami ang umusig sa ‘Yo, marami ang nanakit sa ’Yo hanggang sa patayin Ka sa krus, pero hindi ka natinag at sumuko dahil mahal na mahal Mo ang Ama, mahal na mahal Mo kami. Kaya nga’t ang buong buhay Mo ay bunga ng Iyong pagtitiwala sa Ama at pagmamalasakit sa amin. Nawa, mamunga din ang aming buhay sa salita at sa gawa at maipakita namin, tunay kaming mga alagad, tunay kaming mga deboto, sapagkat ang aming buhay ay katulad ng sa ’Yo.
Show More
Mahal na Poong Hesus Nazareno, kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!🙏
Araw ng mga Deboto Araw ng Debosyon
22 Marso 2024 • BIYERNES sa Ika-5 Linggo ng #Kuwaresma
#QuiapoChurch #QuiapoDay #ArawNgQuiapo #ViernesDeDolores #FridayOfSorrows #NuestraSeñoraDeLosDolores #OurLadyOfSorrows #AveMaria #BlessedVirginMary #BlessedMother #Lent #Lent2024 #QuiapoChurch #Panalangin #Prayer #BiyayaSaQuiapo #EverythingIsGrace #SimbahanNgQuiapo #Nazareno #JesusNazareno #BlackNazarene #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #Catholic #Katoliko #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno











