PANALANGIN ni #FrJunSescon ngayong BIYERNES ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon | #QuiapoChurch
Quiapo Church
Mahal na Poong Jesus Nazareno, salamat po! Sa ‘Yong wagas at tapat na pag-ibig. Salamat po at ipinakita N’yo sa amin na ano man ang mangyari naririyan kayo, handang magpatawad, handang umunawa, handang tumulong sa amin. Itinatagubilin namin sa Inyo ang mga mag-asawa lalong-lalo ang mga dumaraan ngayong sa pagsubok, lalong-lalo na ang nagsasabuhay ng kanilang katapatan at pagmamahal. Itinatagubilin namin sa Inyo ang mga naghahanda sa pag-aasawa na kanilang mawari na ito’y mahalagang bokasyon at misyon sa buhay.
Mahal na Poong Jesus Nazareno, tulungan N’yo po ang aming bayan upang lalo naming maipakita ang aming pagsunod, pagtitiwala sa Inyong kapangyarihan at pag-ibig. Mahal na Poong Jesus Nazareno, kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!🙏
Show More
Araw ng DEBOSYON; Araw ng mga DEBOTO; Araw ng QUIAPO
Walang hanggang pasasalamat, Poong Hesus Nazareno
Munting #Panalangin ni Rdo. P. Jun Sescon, Jr.
Kalakbay at Pastol ng Quiapo
BIYERNES ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon
#QuiapoChurch #QuiapoDay #Prayer #BiyayaSaQuiapo #EverythingIsGrace #ArawNgQuiapo #SimbahanNgQuiapo #Nazareno #JesusNazareno #BlackNazarene #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #Catholic #Katoliko #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno











