#Panalangin ni #FrJunSescon ngayong Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | #QuiapoChurch
Quiapo Church
Mahal na Poong Jesus Nazareno, naririto na naman po kami, Iyong mga alagad, Iyong mga deboto. Ipinagkakatiwala namin lahat sa ‘Yong mga kamay, hindi lang ang aming mga hinihiling, hindi lang ang aming mga kagustuhan. Ipinagkakatiwala namin lahat-lahat, maging ang aming mga kasalanan, kahinaan, at kabiguan. Ipinagkakatiwala namin, ano man ang mga plano namin at ang aming mga desisyon at ginagawa sa buhay.
Mahal na Poong Jesus Nazareno, maging tapat at buo nawa ang aming pagtatagubulin sa Inyo upang sa gayon, kami rin maging daluyan ng Iyong pagpapala. Gamitin N’yo rin po kami, kami rin ay Iyong magiging mga kamay sa mundo, kamay ng kapayapaan, katarungan, kawanggawa, pagpapatawad. Gamitin N’yo po ang aming kamay upang lalong kumalat ang Iyong mga himala, pagpapala at awa. Mahal na Poong Jesus Nazareno, Kayo na po ang bahala sa amin, kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!🙏
Show More
Munting Panalangin ni Rdo. P. Jun Sescon, Jr.
ngayong BIYERNES sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
#QuiapoChurch #QuiapoDay #Panalangin #Prayer #BiyayaSaQuiapo #EverythingIsGrace #ArawNgQuiapo #SimbahanNgQuiapo #Nazareno #JesusNazareno #BlackNazarene #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #Catholic #Katoliko #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno











