PANALANGIN ni #FrJunSescon ngayong Dakilang Kapistahan ng TATLONG PERSONA sa Isang Diyos
Quiapo Church
Mahal na Poong Jesus Nazareno, salamat po at ipinakilala N’yo sa amin ang D’yos, ang Ama, kayo po na Anak at ang Espiritu Santo. Ipinakilala N’yo sa amin ang D’yos, para lalo kaming makibahagi sa pag-ibig ng D’yos kaya’t tulungan at turuan N’yo po kaming matutong makibahagi din sa aming kapwa lalo na sa panahon ng sakuna at pangangailangan. Matuto kaming makipagkapwa-tao gaya ng Iyong pakikipagbahagi sa amin. Salamat din po at binigyan N’yo kami ng pagsugo upang ipalaganap ang Mabuting Balita, gawing disipulo ang lahat, turuan ang lahat na sumunod sa Inyo. Ipinagdadasal po namin ang aming bayan lalo na ang mga nagsasabing kami’y Iyong mga alagad at deboto na matuto kaming sumunod sa Inyo sapagkat ang pagsunod sa Inyo, ang pinakamabuti at pinakamainam. Ipinagdadasal namin na patuloy na ipagtanggol ang pamilya, ang buhay mag-asawa, ang sumasalamin sa ‘Yong wagas at tapat na pag-ibig. Pinagdadasal namin ang aming mga pinuno na sila’y maliwanagan upang malaman ang tama, ang nararapat at mabuti sa nakararami.
Mahal na Poong Jesus Nazareno, tulungan N’yo po ang aming bayan, liwanagan N’yo po ang aming mga pinuno at lagi N’yo po kaming gagabayan. Mahal na Poong Jesus Nazareno, kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!🙏
Show More
Araw ng DIYOS; Araw ng SIMBAHAN
Munting #Panalangin ni Rdo. P. Jun Sescon, Jr.
Kalakbay at Pastol ng Quiapo
Dakilang Kapistahan ng TATLONG PERSONA sa Isang Diyos
#QuiapoChurch #Prayer #EverythingIsGrace #BiyayaSaQuiapo #JesusNazareno #BlackNazarene #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #Catholic #Katoliko #HolyTrinitySunday #HolyTrinity #BanalNaSantatlo #TatlongPersona #BECSunday #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno











