Panalangin sa mga Sugat ni Jesus (15 Panalangin) • Tagalog 15 Prayers of St. Bridget


Panalangin sa mga Sugat ni Jesus: Ang Labinlimang Panalangin ni Sta. Brigida | Tagalog 15 Prayers of St. Bridget of Sweden

Dahil sa matagal nang hangarin ni Santa Brigida na malaman ang bilang ng mga hagupit na tinanggap ng ating Panginoon noong Kanyang Pasyon, isang araw ay nagpakita Siya at sinabing, “Tumanggap Ako ng 5,475 hagupit sa Aking Katawan. Kung nais mong parangalan ang mga ito, bigkasin ang 15 Ama Namin at 15 Aba Ginoong Maria, kasama ang mga sumusunod na panalangin na itinuro sa kanya, sa buong isang taon. Kapag tapos na ang isang taon, iyong naparangalan ang bawat isa sa Aking mga sugat.” Ipinangako ng ating Panginoon ang mga sumusunod sa sinumang bumigkas sa mga panalanging ito sa buong isang taon:

Show More

1. Aking ililigtas mula sa Purgatoryo ang 15 kaluluwa sa kanyang angkan.
2. 14 na kaluluwa sa kanyang angkan ang makukumpilan at mapananatiling may biyaya.
3. 15 makasalanan sa kanyang angkan ang magbabalik-loob.
4. Sinumang bumigkas sa mga panalanging ito’y magtatamo ng pinakamataas na antas ng kabanalan.
5. 15 araw bago sumapit ang kanyang kamatayan, ibibigay Ko sa kanya ang Aking Kamahal-mahalang Katawan upang kanyang maligtasan ang walang-hanggang kagutuman; ibibigay Ko sa kanya ang Aking Kamahal-mahalang Dugo para inumin upang di-mauhaw magpasawalang-hanggan.
6. 15 araw bago sumapit ang kanyang kamatayan, magkakaroon siya ng matinding pagsisisi sa lahat ng kanyang kasalanan at ganap na kamalayan sa mga ito.
7. Ihaharap Ko sa kanya ang matagumpay Kong Krus bilang tulong at panangga sa pagsalakay ng kanyang mga kaaway.
8. Bago siya mamatay, darating Akong kapiling ang pinakamamahal at minumutya Kong Ina.
9. Buong giliw Kong tatanggapin ang kanyang kaluluwa at dadalhin ito sa walang-hanggang kaligayahan.
10. Pagdating doon, pagkakalooban Ko siya ng natatanging inumin mula sa bukal ng Aking Kabanalan, bagay na hindi Ko gagawin sa mga hindi bumigkas ng Aking mga Panalangin.
11. Ang sinumang namumuhay sa kasalanang mortal nang may 30 taon, subalit

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press