PANALNGIN ni #FrJunSescon ngayong Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria | #QuiapoChurch
Quiapo Church
Mahal na Poong Jesus Nazareno, salamat po! Sapagkat katulad ng ginawa Ninyo sa Inyong Ina, dumalaw po kayo sa amin. Dumadalaw kayo sa amin, lalo na sa mga panahong wala ding nakakaalala sa amin, wala ding tumutulong sa amin, kailangan naming higit ang Iyong awa. Mahal na Poong Jesus Nazareno, lagi ko sanang maramdaman, lagi sanang bukas ang aking puso upang mapagtantu ko ang Iyong nag-uumapaw na awa at pagdalaw sa aking buhay, at nawa ako din, matutong maging matulungin, maawain at maalalahanin sapagkat ang tunay Mong deboto at alagad, katulad ng Mahal na Ina, ibinabahagi din ang Iyong kabutihan at awa.
Tulungan N’yo po ako na matutong umabot sa aking kapwa lalong-lalo na ang kailangan ng aking tulong at patawad. Mahal na Poong Jesus Nazareno, salamat po sa Iyong tuwinang pagdalaw. Kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!🙏
Show More
¡Viva, Nuestro Padre Jesus Nazareno!
¡Viva, La Virgen!
Araw ng DEBOSYON; Araw ng mga DEBOTO
Munting #Panalangin ni Rdo. P. Jun Sescon, Jr.
Kalakbay at Pastol ng Quiapo
31 Mayo 2024 • Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria
#QuiapoChurch #QuiapoDay #Prayer #TheVisitationOfTheBlessedVirginMary #Magnificat #TheCanticleOfMary #SaintElizabeth #NuestraSeñoraDeLaBuenaHora #SaintJohnTheBaptist #BiyayaSaQuiapo #EverythingIsGrace #ArawNgQuiapo #JesusNazareno #BlackNazarene #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #Catholic #Katoliko #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno











