PANO | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG (HUGOT) MERCY BLESS


MERCY BLESS

147 views

PANO
BY: Ronel Lacdao
Produced by: MERCY BLESS

Pano nga bang magmahal?,
Sa taong iba ang mahal,
Pano nga bang ikubli ang katotohanan?
Sa taong alam mong ikaw lang ang masasaktan,

Show More

Pano nga bang hindi masaktan?
Sa taong iba ang pinaglaban.
Pano nga ba maging masaya?
Kahit nasa piling ka na ng iba,

Pano nga bang bumitaw?
Sa taong ang mahal ay hindi ikaw,
Pano nga bang magsimula?
Upang ang lungkot at sakit ay mawala,

Sa mundong ito sobrang gulo,
Pilit na kinakaya ang bigat na nadarama.
Pilit tumatawa kahit nasasaktan na,
Pilit limutin ka ngunit ikaw parin ang hanap ng puso,

Pano?pano nga bang umusad?
At humarap sa buhay na reyalidad.
Pano nga bang ngumiti?
Kung ramdam ko parin ang hapdi,

Puno ng tanong ang puso,Pano?
Ang isip koy magulo.
Dahil sa mga tanong na ito
Nahihirapan magdesisyon ang puso.

Paalam aking paraluman,
Dahil nararamdaman mo ang kalinga,
Na mapangaruga mong tala,
At pagibig na sa kanya’y mo nakamtan

Sarili ko naman ang aking ilalathala,
Nung nasaktan mo ako ng malubha,
At kung paano napagod mahalin ka,
Ngunit tanggap na wala na.

Titingala nalang ako sa langit,
At sasambitin ang mga salitang paalam.
Hindi man ako ang iyong pinili,
Ngunit babangon paring may ngiti.

Istoryang naghatid ng saya,lungkot at sakit
At nangangakong hindi na mauulit.
Nilalaman nitoy puno ng hapdi at sakit.
Subalit ang tulang itoy tungkol sayo,

Kung paano ka lumayo.
Kung paano ka bumitaw sa pangako.
Na ikaw at ako lang.
Ngunit hanggang dito nalang.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press