Para Kanino Ka Nabubuhay? Part 4


Join our Online Discipleship Group, register here: https://forms.gle/TrfuEdmkWYc5dR5u7

Kaibigan, may gusto akong itanong sa inyo. Kung bibigyan ka ng pinakamagandang regalo na matatanggap mo sa buong buhay mo - yung tipong hindi mo ito ma-afford, yung dream mo talaga, tapos biglang niregalo sayo - ano ang una mong gagawin? Siyempre, gagamitin mo agad yun di ba? Hindi mo naman iiwan sa sulok lang para magkaron ng alikabok.
Pero alam mo, nakakagulat na maraming Kristiyano ang ginagawa ito eksakto sa sa buhay nila. Binigyan tayo ng Diyos ng pinakamahalagang regalo - ang buhay na makabuluhan, may direction at may purpose, Binigyan tayo ng calling na ang ating buhay ay magbigay ng glory sa Kanya. Pero nakakalungkot dahil nakatago lang ito sa ating sarili. Parang mamahaling gadget na hindi natin alam kung paano gamitin kaya itinago nalang.
Kaibigan, welcome sa ating message series na "Masterpiece." Nagsisimula pa lang tayo sa journey na ito kung saan makikita Natia kung paano tayo ginawa ng Diyos na mga masterpiece na may specific na layunin. At dahil dito ay marapat lang na ang ating buhay ay magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos. Kaya ng ang title natin ngayon ay "Live to Glorify God."
Alam mo, sa lahat ng mga mensaheng maririnig mo sa iyong buhay, ito ang isa sa pinakamahalagang dapat mong maintindihan. Kaya naman, tapusin mo ang mensahe na ito kaibigan Bakit? Kasi pagkatapos ng mensaheng ito, hindi ka na magiging gaya ng dati. Mababago ang perspective mo sa buhay. Makikita mo ang tunay na purpose kung bakit tayo nabubuhay. At higit sa lahat, matutunan mo kung paano maging tunay na masaya sa pamamagitan ng pagbibigay-karangalan sa ating Panginoon.
Kaya samahan moo ako sa Romans 12:1-8, at tignan natin ang tatlong paraan kung paano tayo dapat mamuhay para sa kaluwalhatian ng Diyos.

Show More

Live to Glorify God

Glorify God by your Body
Glorify God by your Mind
Glorify God by your Gifts

Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Receive Daily Encouragement and

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press