PARING KATOLIKO DAW, NAG INC?
Fake News Alert!
Pari siya sa sekta na Dr. Jose Rizal Repentance and Holiness, Inc ng Agusan del Sur under sa isang Most Rev. Fr. Alberto B. Cuvan, Head Archbishop President.
Ngunit sa interview, sinabi niyang pari ng Roman Catholic daw siya? Sakspan!
π πππ ππππππ & π πππ ππππ πππππβΌοΈ
Show More
Please share mga kapatid baka marami ang kanilang mapaniwala sa FAKENEWS...
Nais naming linawin ang kumakalat na maling impormasyon tungkol kay Florito Martinez. May mga ulat na nagsasabing siya ay isang dating pari ng Simbahang Katoliko na umanib sa Iglesia ni Cristo. Ito ay hindi totoo.
Ayon sa isang balita mula sa isang INC News outlet noong Marso 22, 2025, ipinakilala si Florito Martinez bilang isang pari na naglingkod umano ng 14 taon sa Epiphany of the Lord Parish sa Camarin, Caloocan. Wala pong katotohanan ang pahayag na ito.
Si Florito Martinez ay naglingkod sa Simbahang Katoliko, ngunit hindi bilang pari. Siya ay isang Lay Minister lamang sa Epiphany of the Lord Parish. Hindi siya kailanman nagsuot ng kasuotan ng pari (vestment) o nagmisa.
Kinumpirma na rin mismo ng pamunuan ng Epiphany of the Lord Parish ang katotohanang ito. Si Florito Martinez ay hindi isang pari, kundi isang Lay Minister lamang.
Dagdag pa rito, ang mga larawang inilathala ng INC News outlet ay nagpapakita na si Florito Martinez ay hindi nakasuot ng vestment sa loob ng Simbahang Katolika. Ang mga larawang nagpapakita sa kanya na nakasuot ng vestment ay kinunan lamang sa loob ng isang INC Chapel. Kapansin-pansin din ang hindi angkop na kulay ng estola na kanyang isinuot, na para lamang sa panahon ng Kwaresma, samantalang ang kanyang paglipat ng relihiyon umano ay naganap noong Hunyo at Hulyo ng 2024.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng pahayag na ito ay malilinaw ang mga maling impormasyon at maiiwasan na ang pagkalat nito. Maging mapagmatyag po tayo sa mga impormasyong ating natatanggap at laging sikaping alamin ang katotohanan.
Source: Kuya Katoliko
#catholicchurch #faith











