Part 2 - SPIRITUAL BATTLE: 7 maka-Diyos na Sandata para manalo
Na-realize ko na yong spiritual battle ay nangyayari sa maliliit na detalye ng buhay natin kadalasan nga yung iba dito ay hindi mo mapapansin na meron palang spiritual Warfare na nangyayari o digmaang spiritual kasi parang normal lang naman siya sa araw araw. Totoo na ng spiritual Warfare ay kinabibilangan ng mga demonic possession or exorcism pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang nangyayari kung hindi pati doon sa parang maliliit at normal na detalye ng buhay natin ay naroon ang katotohanan ng espiritwal na digmaan. Halimbawa bakit ka nahihirapang mag-confess ng iyong kasalanan sa Diyos at sa tao? That is spiritual battle. Bakit nahihirapan kang sumunod sa Diyos? Ito ay spiritual battle. Bakit ka natatakot magbahagi ng mabuting balita? Ito ay spiritual battle. Bakit nahihirapan ka magpatawad kahit na alam mo na sinabi ng Diyos sa iyo na magpatawad ka kasi ito ay ispiritwal na digmaan. Bakit pag nananalangin ka Ang daming distraction. Ang dami mong naiisip hanggang sa maya-maya naligaw na ang iyong panalangin Bakit? Kasi mayroong spiritual battle. Ang kalaban natin ay laman at dugo. Sabi sa
Ephesians 6:12
12 Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.
Ang sabi dito ay hindi tao ang ating kalaban kung hindi ang dyablo na hindi natin nakikita. Tuloy tuloy siyang kumikilos upang ilayo tayo sa Diyos sa pamamagitan na mga kasinungalingan na ibabato niya sa ating isip, at mahihirap na sitwasyon na magiging dahilan para itigil mo ang paniniwala mo sa Diyos.
Kaibigan ito yung katotohanan na merong labanang spiritual na hindi natin nakikita araw-araw, minu-minuto at sa bawat sandali ng ating buhay. Pero wag ka panghinaan ng loob dahil hindi ka pababayaan ng Diyos na mag-isa sa laban na ito kung hindi binigyan ka niya ng kalakasan na galing sa Kanya at sa Banal na Espiritu sabi sa
1 Juan 4:4 MBB 4











