Pasayahin mo naman ang sarili mo
Kapag sobra mong bait, para mo na ring iniwan ang sarili mo. Kasi palagi mo na lang inuuna ang ibang tao pero ni minsan ba ay may ginawa ka para sa sarili mo? o pagod lang ang ibinibigay mo sa 'yong sarili? Tao ka lang. Alam kong may pangangailangan ka rin. Kailangan mo rin ng pagmamahal. Ibigay mo rin 'yon sa sarili mo. Pasayahin mo naman ang sarili mo. Hindi ko naman sinasabi na magdamot ka. Ang punto ko lang, dapat balanse lang ang ginagawa mo sa buhay. Kapag hindi mo inuuna ang sarili mo, mas lalo kang mabibigatan sa buhay. You need to realize, deep down, that you don't always have to come to everybody's rescue. Ang mga taong tinutulungan mo, hindi naman ikaw lang ang inaasahan nila. Nagsasara ang isip nila kasi bigay ka lang ng bigay. Hindi na sila kumikilos, hindi na sila tumatayo sa sarili nilang mga paa kasi nandiyan ka para sa kanila. Give them a chance to step up. Pwede mo naman silang pagsabihan na TAMA NA. Kung magagalit man sila sa 'yo, tanggapin mo na lang. It's okay for people to get mad at you, that's part of life.











