Pasko ng mga Katoliko galing daw sa mga Pagano?


Tuwing nalalapit ang pasko, kung ano anong atake, tuligsa at paninira ang nababasa, naririnig, itinuturo at ikinakalat ng mga 3 Anti-Christmas group na ito, INC™(a.k.a Iglesia ni Manalo), Dating Daan, at Saksi ni Jehova tungkol sa pagdiriwang at pagunita ng kapanganakan ni Jesus tuwing (Dec.25) o pasko, ay sa pagano daw?? kesho hindi daw talaga kapanganakan ni Cristo ang pinapaniwalaang ipinagdiriwang sa petsang ito, kundi sa dius-diusan ng mga pagano daw nuon na si Sol Invictus at Mithra. at kung ano ano pang tuligsa at paninira nila tungkol sa kapaskuhan.

Heto ang ilang OBJECTIONS na aking kinopya mula sa blog ng Iglesia ni Cristo, at sa isang Debate Group ng Iglesia ni Cristo, isang Anti-Catholicong sekta na matindi ang panunuligsa at paninira sa kapaskuhan.

Show More

■ OBJECTION
[ Pinatutunayan ng ilang autoridad ng Katoliko na mismo sila ay aminado na ang Desyembre 25 ng kapaksuhan ay inpluensya lang ng mga pagano.

"...the choice of December 25 was influenced by the fact that the Romans, from the time of Emperor Aurelian (275), had celebrated the feat of the sun god (Sol Invictus: The Unconquered Sun) on that day. December 25 was called the ‘Birthday of the Sun.’ and great pagan religious celebrations of the Mithras cult were held all through the empire.” (Handbook of Christian Feasts and Customs, page 61)

Sa tagalog:
"...Ang pagsasa-Cristiano (Christianization) ng pagsamba sa diyos-ng-araw (sun-god) ang lumikha ng Pasko....Ginawa ni Aurelian (270-5) ang ika 25 ng Disyembre, ang araw ng kapanganakan ng diyos-ng-araw, na isang pagdiriwang ng Imperyo. Pagkatapos ng tagumpay ng Iglesia, Ito ay ginawang araw ng kapanganakan ng tunay na araw, bilang Pasko."(Early Christian Art pp 99-100)
Pananampalataya at Katuwiran

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press