PILIIN MO NAMAN AKO | SPOKEN POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
PILIIN MO NAMAN AKO
By: MERCY BLESS
Piliin mo naman ako
Ito ngayon ang sinisigaw ng puso ko
Habang nasisilayan ng dalawang mata ko
Kung gaano siya kahalaga sayo
Show More
Minsan napapatanong nalang ako
Kung bulag ka ba?
Na di mo nakikita na mahal din kita
Na kaya ako nanantili pa
Dahil gustong gusto kita
NA Gustong gusto ko rin maramdaman
Ang pagmamahal na pinapadama mo sa kanya
Yung kahit na wala siyang ginagawa para sayo
Ay andyan ka para mahalin siya ng buo
Yung kahit na minsan ay binabaliwala niya
Ang lahat ng sakripisyo mo
Ay pinili mo paring intindihin
Dahil ganun siya kahalaga sayo
Ano ba ang meron sa kaniya
Na wala sa akin
Kung bakit hanggang ngayon
Di mo parin ako kayang piliin
Ano pa ba ang pwede kong gawin
Ng sa matutunan mo rin akong mahalin
Paano naman ako
Ako na laging nandito para sa iyo
Ako na ginagawa ang lahat
Maging masaya lang ang puso mo
Di mo ba dama
Na mahal din kita
Na iniintindi ka ng paulit-ulit
Kahit nagmumukha na akong tanga
Di pa ba sapat ang lahat sayo
Di ko pa ba mapapantayan
Ang lugar niya diyan sa puso mo
Alam kong di ako katulad niya
Dahil siya ang mahal mo
At heto ako.. minamahal ka
Iniintindi ka
Dahil takot akong masaktan ka niya
Takot ako na maramdaman mo rin
Ang sakit na na nararamdaman ko ngayon
Ewan ko ba bakit ko
Nagagwa ang lahat para sayo
Kahit na durog na durog na ang puso
Ay nagawa ko paring ipagtanggol ang puso mo
Kahit na sumusigaw na ng saklolo ang puso ay
Mas pinili ko paring sagipin ang nararamdaman mo
Dahil sa ating dalawa
Ako ang di bulag sa nararamdaman niya para sayo
Naiintindihan kita kasi umiibig din ako
Iniibig kita at naging bulag ako sa lahat
At ganun ka rin sa kanya
Di mo ba nakikita
Di mo ba nararamdaman?
Ang totoo’y
Di ka na niya mahal
Matagal ka na niyang kinalimutan
Kaya pwede bang tama na
Tama ang pagpapakatanga
Dahil kapag nasasaktan ka’y
Mas nasasaktan ako ng sobra
Na kahit na ano pang gawin ko
Ay di ko kayang sagipin ang puso mo
Dahil ang lahat ng atensyon mo’y nasa kanya
Kahit andito na











