PINAGLABAN NAMAN NATIN DIBA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

10,621 views

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
PINAGLABAN NAMAN NATIN DIBA
BY: MERCY BLESS

Kailan ka pa ba hindi naging totoo sa pinapakita mo?
Kailan mo pa ba nagawang lokohin ang isang katulad ko?
Na habang binabanggit mo ang salitang mahal kita
Ay pinagmumukha mo na pala akong tanga

Show More

Naging pabigat ba ako sayo?
Kasi ang akala ko ako yung nagpapasaya sayo
Mahal ang daya mo kasi akala ko ako ang rason ng bawat ngiti mo
Na ako yung dahilan kaya ka nananatili ka sa tabi ko.

Hindi pala. Mali pala
Mali palang minahal pa kita

Napakasinungaling mo…
Pinaniwala mo ako sa mga pinapakita mo
Ginawa mo akong kaawa awa sa mga mata

Nahihiya ako, bakit mo ginawa sa akin to
Di naman ako nanglilimus sa pagmamahal mo
Kasalanan ko ba?
Na pinapakita mong akoy sapat na
Kasalana ko ba ?
Na sinabi mong ako lang talaga

Nagmahal lang naman ako
Pero bakit ganito……
Nagawa mong lokohin ang taong minahal ka ng buo

Di naman diba kita pinilit
Dahil pinili naman natin ang manatili
Kailangan ko pa bang maramdaman ang sakit
Dahil akala ko lang naman akoy yung nag-iisa mong pinili

Di ko alam kung bakit..
Kung bakit ikaw pa yung bumitaw
Kung bakit ikaw yung napagod
Na sa ating dalawa ikaw pa yung nagpapaalala na kaya pa

Pero bakit umabot sa ganito
Na ako yung natalo
Na ako yung niloko
Sa isang relasyong pareho nating ginusto

Oo alam kong napapagod ka,
Napagod tayong dalawa
Pero sana huwag mo naman akong dalhin sa hangganan
Sa hangganan na ako yung mauuwing talunan

Kung napapagod kalang pwede bang manatili kapa
Kung kulang pa, pwede dadagdagan ko pa
Kasi pinaglaban naman natin diba?
Sinubukan naman natin diba?

Patawad kung nagmamakaawa akong manatili kapa
Pero kung ayaw mo na
Pipilitin kong intindihin ka
Kasi alam kong nahihirapan kana

Wala na akong magagawa kung ayaw mo na
Wala na akong laban kasi may nanalo na
Pero sana huwag mong

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press