Pinaglingkuran at Bininyagan ng mga Disipulo ang mga Tao| 3 Nephi 19:4–14 | Aklat ni Mormon


Ang mas malaking bilang ng mga tao ay nagpunta sa sinaunang bakuran ng templo ng Masagana matapos mabalitaan ang pagpapakita ni Cristo. Iniutos ni propetang Nephi na hatiin ang mga tao sa labindalawang pangkat at nagturo na manalangin at marami pa ang nabinyagan.

4 At ito ay nangyari na, na kinabukasan, nang ang maraming tao ay nagkakatipong magkakasama, masdan, si Nephi at ang kanyang kapatid na kanyang ibinangon mula sa patay, na ang pangalan ay Timoteo, at gayon din ang kanyang anak, na ang pangalan ay Jonas, at gayon din si Mathoni, at si Mathonihas, na kanyang kapatid, at si Kumen, at si Kumenonhi, at si Jeremias, at si Semnon, at si Jonas, at si Zedekias, at si Isaias—ngayon, ito ang mga pangalan ng mga disipulo na pinili ni Jesus—at ito ay nangyari na, na sila ay humayo at tumayo sa gitna ng maraming tao.

Show More

5 At masdan, ang mga tao ay lubhang napakarami kung kaya’t kanilang pinapangyari na sila ay hatiin sa labindalawang pangkat.

6 At ang labindalawa ay nagturo sa maraming tao; at masdan, kanilang pinapangyari na ang maraming tao ay lumuhod sa lupa, at manalangin sa Ama sa pangalan ni Jesus.

7 At ang mga disipulo ay nanalangin din sa Ama sa pangalan ni Jesus. At ito ay nangyari na, na sila ay tumayo at naglingkod sa mga tao.

8 At nang kanilang maipangaral ang mga gayon ding salita na winika ni Jesus—walang pagkakaiba sa mga salitang winika ni Jesus—masdan, muli silang lumuhod at nanalangin sa Ama sa pangalan ni Jesus.

9 At sila ay nanalangin para roon sa kanilang higit na ninanais; at ninais nila na ang Espiritu Santo ay ipagkaloob sa kanila.

10 At nang sila ay makapanalangin nang gayon, sila ay bumaba sa gilid ng tubig, at ang maraming tao ay sumunod sa kanila.

11 At ito ay nangyari na, na si Nephi ay bumaba sa tubig at bininyagan.

12 At siya ay umahon sa tubig at nagsimulang magbinyag. At kanyang bininyagan lahat ng yaong pinili ni Jesus.

13 At ito ay nangyari na, nang silang lahat ay mabinyagan at makaahon sa tubig, ang Espiritu Santo ay

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press