PINAGPALIT SA MALAPIT | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
PINAGPALIT SA MALAPIT
BY: MERCY BLESS
Nawala lang ako ng saglit
Meron kanang ipinalit
Show More
Di ko inaasahang yung taong pinakamamahal ko
Ay yung taong kaya akong saktan ng ganito
Yung dudurugin ka sa sakit
Ta’s ipaparamdamn sayo na ika’y kapalit palit?
Sobra pa to sa pag-ibig na pinagkait
Dahil ipinagsisigawan niyang ako yung nanakit
Kasalanan ko ba? Na humanap ka ng iba
Dahil kapag mahal mo talaga ako
Makakayanan mong tiisin ang distansya
Kahit na siya pa yung nasa tabi mo
Kung ako talaga ang nasa puso mo
Di mo ako magawang saktan ng ganito
Kung minahal mo talaga ako
Kahit na siya pa yung kusang lumalapit sayo
Di ka magpapaapekto
Pinahalagahan ko ang relasyon nating dalawa
Dahil di lang naman ikaw ang nahihirapan ng sobra
Kahit magkalayo tayo, iniisip kita
Kahit ma wala ka sa tabi ko, minamahal kita
Kapalit palit ba talaga ang isang katulad ko?
Na di karapatdapat na mahalin?
Na kapag pinagsawaan ay na ay agad-aagd nalang lilimutin?
Pinaglayo tayo pero di ko inaasahan na ang puso mo’y lalayo
Na ang pangako mong pinanghahawakan ko ay biglaang naglaho
Dumaan lang siya sa buhay mo, kinalimutan mo na agad ako
Ilang araw lang na siya ang kasama mo, pinagpalit mo agad ako
Kung alam mo lang kung paano ko tiniis ang distansya
Na kahit na malayo ka ay ikaw ang nasa isip ko sa tuwina
Na kahit na nahihirapan na ay pinanghahawakan ko parin ang mga pangakong
Iyong kinalimutan.
Bakit nagawa mo akong ipagpalit
Ipagpalit sa malapit
Bakit mo pinagkait
Ang pag-ibig na di ko ipinilit
Kusa mong binigay ang puso ko dahil ikaw yung sumuyo
Ikaw yung unang lumapit ta’s ikaw yung unang lalayo?
Minahal kita, na di ko alam na may minamahal kana palang iba
Namimiss kita, kahit na wala na pala akong halaga
Nagmukha akong tanga
Na lumalaban mag-isa
Sa relasyong tapos na pala
Facebook Page











