Pinangasiwaan ni Jesucristo ang Sakramento| 3 Nephi 20:1-8 | Mga Video ng Aklat ni Mormon


Inihanda ni Jesus ang sakramento at sinambit ang panalangin ng sakramento. Ipinasa ng mga disipulo ang sakramento sa mga tao sa Sinaunang Amerika. Sinabi sa kanila ni Jesus ang mga pagpapala ng pagtanggap ng tinapay at alak.

1 At ito ay nangyari na, na inutusan niya ang maraming tao na tumigil sila sa pananalangin, gayon din ang kanyang mga disipulo. At iniutos niya sa kanila na huwag silang tumigil sa pananalangin sa kanilang mga puso.

Show More

2 At kanyang inutusan silang bumangon at tumayo sa kanilang mga paa. At sila ay bumangon at tumayo sa kanilang mga paa.

3 At ito ay nangyari na, na muli niyang pinagputul-putol ang tinapay at binasbasan ito, at ibinigay sa mga disipulo upang kainin.

4 At nang sila ay makakain kanyang inutusan sila na kanilang pagputul-putulin ang tinapay, at ibigay sa maraming tao.

5 At nang mabigyan na nila ang maraming tao, ibinigay rin niya sa kanila ang alak upang inumin, at inutusan silang ibigay ito sa maraming tao.

6 Ngayon, walang tinapay, ni alak, na dinala ang mga disipulo, ni ang maraming tao;

7 Ngunit tunay na kanyang ibinigay sa kanila ang tinapay upang kainin, at gayon din ang alak upang inumin.

8 At sinabi niya sa kanila: Siya na kumakain ng tinapay na ito ay kumakain ng aking katawan sa kanyang kaluluwa; at siya na umiinom ng alak na ito ay umiinom ng aking dugo sa kanyang kaluluwa; at ang kanyang kaluluwa ay hindi kailanman magugutom ni mauuhaw, kundi mabubusog.

https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/bofm/3-ne/20.1-8

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press