Pipiliin ko - Cornerstone Music Philippines


Mga Awit 57:7-11

Panatag na ako, O Diyos, ako ngayo'y matatag,
purihin ka at awitan, ng awiting masisigla.
Gumising ka, kaluluwa, gumising ka't purihin siya!
Gumising ka't tugtugin mo yaong lumang lira't alpa;
tumugtog ka at hintayin ang liwayway ng umaga.
Sa gitna ng mga bansa, kita'y pasasalamatan;
Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng iyong bayan.
Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan,
nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan.
Purihin ka nawa, O Diyos, sa rurok ng kalangitan;
dito naman sa daigdig ay ang iyong karangalan!

Show More

Here's an original composition by Cornerstone Music Philippines

Verse 1
Pusong nababalot ng dilim
Takot na lumalamon sa isip
Kailan makikita ang galaw ng langit
Sagot sa mga dasal kailan makakamit

Pre-chorus
Kay daming dahilan para magtago
Kay daming dahilan para sumuko
Ngunit dahil sa Iyong mga pangako
Ay pipiliin kong

Chorus
Dito sa gitna ng ulan at bagyo
Pangalan Mo ang itataas
Dito sa gitna ng pagkalito
Katotohanan Mo ang ihahayag
Dahil kailanman ay di Ka nagbago

O Hesus
Habang buhay
Ikaw ay sapat
Ikaw ay tapat

Verse 2
Paligid ma'y mahirap basahin
Bundok man ay mahirap akyatin
Imposible man ang aking hiling
Wala kang di kayang gawin

Footnotes

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press