PRINSESA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG | MERCY BLESS


MERCY BLESS

75 views

PRINSESA
BY: PLEN ROTAO
Minsan napapaisip ako
Maaari kayang maging prinsesa ang isang tulad ko?
Yung tipong may darating na prinsipe at sasagipin ako
Sa mataas na pader na linikha ko.
Isang pader na gawa sa bato
Yung walang maramdaman kahit ano
Para maiwasang masaktan ang puso
Kelangan yung mataas at pulido.
Minsan na akong naging prinsesa
Naging masaya naman sa una
Sa kahariang binuo naming dalawa
Ngunit sa isang iglap
Unti unting mawawala
Sinakop ng iba
Ang kaharing pagmamay-ari ko na
Ang ipaglaban ka'y hindi ko nagawa
Sapagkat ang prisesang ito ay naging marupok at mahina.
Hinayaan kitang maagaw ng iba
Pinagmasdan kitang lumayo kasama sya
Kaya mula noon ay linisan ko na
ang palasyong wala nang halaga.
Lalayo at kakalimutan ka
Marahil ang umibig pang muli ay hindi na magagawa
Sapagkat may parte ng puso ko ang nawala
Mula nung pinili mong sumama sa iba
Unti-unting pinulot ang bawat piraso
Ng pagkatao kong
nadurog dahil sayo
Nilikha ang pader na ito
Upang bakuran ang aking puso.
Kaya heto, malayo ang tanaw
Habang sa bintana ng pader ay nakadungaw
Mistulang ang diwa ay naliligaw
At may isang pusong nauuhaw.
Hanggang isang araw, mayroong nagtangka
Inakyat ang pader at muli kong nakita
Ang taong magliligtas sa akin mula sa pagkakadapa
Muling naramdaman ang pag-ibig na kay tagal nawala..
Ang pader ay unti unting gumuguho
Muling naging masaya ang puso
Mataas man at pulido
Ngunit muling magiging marupok
Kapag nasa tamang tao.
Maghanap ng handang ipaglaban ka
Hindi ikaw yung makikipagdigma
Ikaw dapat yung ipinaglalaban at ipapanalo pa.
Dahil hindi ka babae lang, isa kang prinsesa.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press