Prinsipyo para sa matagumpay na pinansyal
Nakaranas ka na ba na magkaron ng pagkakautang sa mga institution na gaya ng Credit card, at lending company, o kaya coop or 5/6 at iba pa? Yung hindi mo mahindiin yung offer na "buy-now-pay-later". Ako ay isa na sa napaso at nabaon sa utang. Kasi madali lang naman bumili pag hindi mo agad babayaran tapos hulugan pa sa maliit na halaga. Pero purihin ang Diyos dahil malaki ang naitulong sa akin ng mga prinsipyo ng pananalapi na natutunan ko sa Salita ng Diyos nung Siya ay nakilala ko. Maraming tao kasama na ako na nagdepende sa pananaw ng mundo patungkol sa pananalapi at hindi sa pananaw ng Diyos kaya napapahamak.
Ang pera, kayamanan, materialism ay parang cancer na na kumakain sa character ng mga Kristyano at sumisira din sa ministeryo ng Church.
Ang kultura natin ay punongpuno ng materyalismo. Simula palang sa ating pagkasilang ay hinihikayat na tayong kumita ng mas maraming pera, mabili ang bawat magustuhan, at makuha ang posisyon ng kapangyarihan sa kahit anong paraan.
Show More
Palagi natin nakikita sa social media na ang kayamanan daw ay ang sagot sa problema sa buhay. At ito rin ang magbibigay sayo ng tunay na kaligayahan.
May isang mama ang nagtanong sa isang katutubo sa Africa. Sabi nya Ano ang pinakamalaki nyong problema dito sa inyong village? Ine-expect nung mama na sasabihin nung mga katutubo na may kakulangan sila sa medical supplies o kakulangan sa pagkain kasi mga katutubo sila sa isang mahirap na bansa. Pero laking gulat nya dahil sabi nung villager ay “materialism” ang problema nila.
Sabi nya pag yung isang tao ay merong kubo na gawa sa putik ay gusto naman nya na magpagawa ng kubo na gawa sa bato. Kapag naman ang bubong nya ay gawa sa kugon ay gusto naman nya ng ang bubong nya ay gawing lata o bakal. Kung meron naman syang isang ektarya ay gusto naman nya na bumili pa para maging dalawang ektarya. Grabe no ang materialism daw ay isang malalang sakit ng puso. Bakit? Kasi sa isang lugar na wala masyadong mga luho ay naron pa rin at buhay na buhay ang











