Pundasyon ng Pagiging Ulirang Ama (Tagalog Sermon Message) Father's Day Tagalog Message
Lifeguide Ministry
1,046 views
Happy Father's Day sa Lahat ng mga Ama!
Paano maging tutuong ulirang ama? Mahirap maging uliran o mabuting ama.
Ang mahalaga at kailangan liwanagin natin sa mga tungkulin ng ama ay kung sapat na ba ang magampanan ng ama ang kanyang mga tungkulin? Sapagkat bagaman nagagampanan ang mag-supply ng pisikal na kailangan, maipagtatangol o makalinga at ma-disiplina ang tahanan, ang mga ito ba ay sadyang sapat na kaya? Ano ang kulang? Ito ang nais kong tutukan sapagkat bawat building o bahay bago maitayo, kailangan unahin munang seguruhin na gawin ang spiritual na pundasyon sa tama.











