Puso'y Kailangan na ng Pahinga | spoken word poetry tagalog | MERCY BLESS
Hindi na kita pipigilan pa,
Kung nais mo kong iwan, malaya ka na.
Hindi na kita ipaglalaban pa,
Kung alam ko naman na lumalaban lang akong mag-isa.
Hindi na kita pipilitin pa,
Na manatili sakin, dahil pagmamahal mo'y wala na.
Kailangan kong tanggapin na wala ng tayo,
Kailangan kong tanggapin na tapos na ang ating kwento.
Hanggang dito na lamang ang ating pagmamahalan,
Puso ko'y mamahinga na, ng sakit ay maibsan.
Ang daya daya talaga ng tadhana,
Bakit pinagtagpo pa tayong dalawa,
Kung sa huli di naman tayo magkasama,
Kung yung kwento natin hanggang dito na lang ang pahina.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nasasaktan,
Hindi ko alam parang mababaliw ang aking isipan,
Parang manhid na hindi mo maintindihan.
Yung puso ko, pagod na pagod na,
Siguro nga kailangan ko na itong ipahinga,
Ipahingang magmahal, para di na masaktan,
Nakakapagod din pala ang magmahal ng lubusan.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula,
Hindi ko alam kung kakayanin ko ba itong mag-isa,
Hindi ko alam, paano mabuhay ng wala ka?
Hindi ko alam, dahil mahal na mahal na mahal pa rin kita.











