PWEDE KA BANG MAG-IBA?
LIVE|San Bartolome Piazza Nathaniel|August 3,2023
PREACHER: Bro. Miguel Pabillare
Hindi ka ba natatawa o kaya'y nagtataka
Ganun nga ba talaga pare-pareho na lang ba
Minsan ako nagtatanong bakit nagkakaganoon
Umurong man o sumulong
Ang nasa harapan mo'y iyon at yun.
Uulan, aaraw
Lulubog, lilitaw
Isipin mo mang maiba, yun pala'y katulad rin nila
Huwag na nating piliting tumulad sa ating katabi
Pwede namang maiiba, paminsan-minsan ay baguhin
yan ang mga titik sa kantang ginamit sa patalastas ng isang inumin noong panahong 90's ito;y mula sa malikhaing pagiisip ng pambansang alagad ng sining sa musika na si Mestro Ryan Cayayab na binigyan naman ng buhay ng Premyadong mangaawit na grupo na The Company.
hindi nalalayo ang mensahe ng awiting ito sa ating ebanghelyo ngayong huwebes tayo ay matututo at tuturuan ng ating mabuting balita na lumihis sa nakasanayan ng mga tao na labis na makamundo.
Sikapin natin na ilihis ang ating sarili at ilayo sa mga bagay na maglalalpit sa atin sa kasamaan nang sa gayon ay mapasama tayo sa mga pinaghaharian ng Ama.
Sa panahon natin ngayon maari nating tignan ang ating sarili kung tayo ba ay katulad ng iba na napangungunahan ng kasalanan kung tayo nga ay ganito marapat lamang siguro na tayo;y magnilay-nilay at tanungin sa ating sarili pwede ka bang mag-iba?
Kaya nga, para isabuhay ang isang talata sa bibliya, ating pakinggan si Bro. Miguel Pabillare.
Show More
Ating ayain ang ating mga ka-pamilya, kaibigan, at mga katrabaho.
Sabay sabay po tayong magpuri at sumamba sa Diyos Ama!
Ayon nga kay San Pedro Apostol, "Ang kaligtasan at pagiging perpekto ng tao ay binubuo ng paggawa ng kalooban ng Diyos na dapat niyang isabuhay sa lahat ng bagay, at sa bawat sandali ng kanyang buhay."
You are More Than Enough Philippines
Please Subscribe to our YouTube Channel and hit the bell button for more updates!
https://www.youtube.com/channel/UCZZx...
TESA Official
https://www.youtube.com/channel/UCq9v...
Also Please like and follow our Facebook page:











