PWEDE KANG SUMAYA KAHIT NAHIHIRAPAN KA NA | BRAIN POWER 2177
Video Title: PWEDE KANG SUMAYA KAHIT NAHIHIRAPAN KA NA | BRAIN POWER 2177
Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UC3LLn6bPkCStfCHKShTZrrQ/join
Show More
Akala natin napakadali lang takasan ang negatibong pangyayari. Pero sa totoo lang, napakahirap layuan ang mga problema sa buhay. Marami tayong kinakatakutan. Takot tayo sa ating kinabukasan. Nakukulong tayo sa ating negatibong isipan. Minsan gusto nating lumaban pa. Minsan gusto nating wakasan ang ating buhay. Oo umabot talaga sa punto na may mga taong nag-iisip ng wakasan ang buhay nila. Pero hindi rin naman nila gustong mawala sa mundong ito. Parang gusto lang nilang magpahinga mula sa kahirapan ng buhay. Gustong gusto natin na magbago ang ating buhay. Y'ong buhay na may seguridad. Ang dami nating gusto. Gusto nating maramdaman na minahal tayo. Gusto natin na hindi tayo aabusuhin. Gusto nating maramdaman ang anumang bagay na higit pa sa hindi natin nararamdaman ngayon. Alam ko naman kung ano ang gusto mo e. Gusto mo na may taong magmamahal sa 'yo, na may taong mag-aalaga sa 'yo, na may taong magsasabi na magiging OK ka rin, na magiging ayos rin ang lahat. Gusto mo na may taong magsasabi na kahit hindi ka perpekto pero SAPAT ka na. Gusto mo na pahalagahan ka ng mga magulang mo. Gusto mo na wala ng mambu-bully sa 'yo. Gusto mo na makalimutan mo na ang mapait na nakaraan mo. Alam kong may sugat diyan sa puso mo at umaasa kang may makakapagpahilom nito.
TRANSCRIPT: https://bit.ly/41c6Lmi
=== Infraction
Cinematic Action Dramatic by Infraction [No Copyright Music] / Feel The Epic
https://youtu.be/HhtRukR0pSs
--------------------------------------------------------------------------------------------
Hi everybody I write and speak all of the speeches myself, so if you need some material or want to do some sort of collaboration, feel free to contact me: junbal2177@gmail.com
--------------------------------------------------------------------------------------------
Speaker:
Brain Power











