RELATIONSHIP. Paano magkakaron ng kaligyahan sa isang relasyon
Nagtataka ka ba kung bakit parang hindi nauubusan ng conflict ang mga magasawa, magkaopisina, magkaibigan, magkapartner sa negosyo, magkapatid, magkasama sa team o anumang sports at iba pa. Maaaring mahal na mahal nyo ang bawat isa pero sa buhay natin ay talagang merong mga nagiging hadlang para mapanatili natin ang kapayapaan. At kapag nangyari ang conflict ay ito ang sumisira ng kaligayahan sa isang relasyon.
Maaaring ang issue ay patungkol sa pera, o pagkukulang sa oras, o kaya long distance relationship, o ang issue ay favoritism, o tsismis, o kahit ano pa ang nagiging dahilan ng conflict ay kailangan itong harapin at ayusin.
Show More
Narealized ko na ang problema ay hindi naman basta bigla nalang nawawala. Kapag ang problema ay hindi mo hinarap at ginawan ng paraan ay mas lumalala ang sitwasyon.
Mas lalong lalawak ang emotional distance nyong dalawa, yung abilidad nyo na magusap ng may kabuluhan ay mawawala din, nawawala na din ang pagkakaisa dahil habang tumatagal ay nagkakaron ng sama ng loob na naiipon at palalim ng palalim.
Alam mo ba na Ang pagkakaisa ay isang sangkap para magtagumpay sa ating buhay.
Kung gusto mong magtagumpay sa negosyo ay kailangan mong magkaron ng mga empleyado na nagkakaisa at nagtatrabaho as a team. Kung gusto mong magtagumpay ang isang basketball team ay kailangan ang mga players nya ay maglaro ng may pagkakaisa.
Kung gusto mong maging matagumpay ang gobyerno natin ay kailangang may unity ang presidente, kongreso, at senado at iba lang sangay ng ating gobyerno. Kung gusto mong magkaron ng matagumpay na pamilya ay kailangang magkaisa at makipagcooperate ang bawat miyembro ng pamilya para sa ikalalago ng kanilang pamilya sa Panginoon.
Kung gusto nating magkaron ng successful na church ay kailangan ang lahat ay magkaisa na kumilos.
Narealized ko na masyadong maliit ang magagawa ng isang tao kung ayaw nitong makipagisa sa kapwa. Pero kung ang bawat isa ay may unity at cooperation sa isang organisasyon o pamilya ay makakagawa sila ng











