ROLE MODEL. Kailangan ba na perfect? Paano maging karadapat-dapat gayahin?
.Meron ka bang bagay na pinagsisihan na dapat hindi mo nalang sana ginawa kasi hindi pala ito naging magandang halimbawa sa iyong anak? Nakita mo kasi na kung anong ginagawa mo ay ginagawa na din ng ngayun ng iyung anak. O kaya sa kabilang banda ay ikaw naman ang naging biktima ng maling impluwensya ng ibang tao at ngayun ay inaani mo ang consequence nito.
Kaibigan Alam mo ba na merong krisis ngayun sa ating bansa hindi lang sa ating bansa kung hindi sa buong mundo? Maaaring iniisip mo ay oo dahil may pandemic, inflation, tumaas ang unemployment, tapos meron pang threat na magkaron ng world war 3. Oo mga krisis din ito pero para sa akin ang isang napakalaking krisis ay nauubusan na tayo ng mabubuting role models.
Show More
Take note sabi ko mabubuting modelo ang nauubus. Bakit? Kasi mas dumarami yung mga hindi mabubuting modelo. Kung ayaw mo maniwala ay Tignan mo nalang kung paano nagdedecline morally ang ating mundo.
Ang katotohanan ay sa ayaw at sa gusto mo ay ikaw ay modelo. Kaya ang tatanungin nalang natin ay mabuti ba o masamang modelo.
May nagsabi Everybody’s an example. Some are good examples… and some are bad”
Lahat tayo ay modelo negatively or positively.
Halimabawa napapaligaran tayo ng mga kilalang tao na nagiging role model ng milyong milyong tao. Minomodelo nila ang nakakaakit na tagumpay ng buhay.
Kaya nga Maraming tao ang gustong maging kagaya nila? Sila ang kanilang role model?
Kaya lang may problema. Halimbawa si Charles Barkley na kilalang isa sa magagaling na NBA players. Sabi niya hindi ako role model. Sabi nya hindi porket magaling akong magbasketball ay pwede na akong gayahin ng mga kabataan.
Sabi nya ayaw nyang mapressure na makulong sa isang mataas na standard ng pagiging role model. Ang gusto lang nya ay maglaro ng basketball. Kumita ng pera at hangaan ng mga tao.
Tapos hindi lang sya ang ganong may sintimyento.
Sa Glamour Magazine si Rihanna na sikat na sikat na singer ay sabi din nya na ayokong maging role model.
Ganon din si Miley Cyrus











