SA AKING PAG-IISA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG (HUGOT) | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Sa Aking Pag-iisa
-Poison Ivy
Binabalot nanaman ng dilim ang paligid
Hudyat ng pagtatapos at bagong umaga'y muling sisilip
Heto, nagsisimula nanamang sumagi ka sa aking isip
At ang kahapon ay parang isang magandang panaginip
Sa aking pagiisa ay naaalala ka
Unti-unti ay tinatanggap na ikaw ay wala na
Haharapin ang bagong umaga na puno ng pagasa
Hindi na muli pang aalalahanin kung kumain ka naba
Hindi na muling isasagi sa isip ang salitang kamusta
Hindi na muling tatanungin kung asan ka
Sisikapin kung maging masaya ang pagiisa
At hindi na muli pang babalik sa ating kama
Kasabay ng mga alon sa dagat ang bagong kabanata
Hahayaang sumabay sa agos ang bawat pahina
Sa mga pangako ay hindi na muling aasa
At hahayaang tangayin ng hangin ang bawat ala-ala
Sa bawat pagiisa ay hindi na sayo masasabik
Hindi kana iintayin dahil hindi kana babalik
Sa unan ay hihigpitan na ang bawat yakap
Dahil hindi kana muling babalik pa sa aking yakap
Gabi gabing matutulog ng mahimbing
Dahil alam kong hindi na ako ang iyong iniisip sa pag gising
Hindi na muling ipagtitimpla ka ng kape
Dahil alam kong hindi na ako ang kahati
Hindi na muling lalabas ang pangalan ko sa telepono mo
Dahil natutunan ko ng mahalin yung sarili ko
Alam ko na kung paano matulog magisa
At kaya ko nang kumain kahit wala ka
Kapag nalulungkot ako ay ndi na hahanapin pa yung yakap mo
Dahil sinanay mo ako sa pag alis mo
Sa tuwing pinipili mo ang iba'y hindi na hihilingin na mahagkan mo
At hindi na din hihilingin na mabahagian ng kakarampot na pagmamahal mo
Ngayon ay natutunan ko na, na unahin ang sarili ko
At pahalagahan yung mga taong sinamahan ako
Hindi na hihilingin ang pagbalik mo
Dahil napagod nako at alam ko na kung ano ang halaga ko











