SA DIYOS ANG AWA, SA TAO ANG GAWA


LIVE|CFCI Center|June 24,2023
PREACHER: Bro. Miguel Pabillare

Ipinapaliwanag sa ating Ebanghelyo sa Linggong ito ang isang katotohanan na lahat ng ating mga ginagawa ay may kaukulang gantimpala. Kung tayo ay may mga ginagawang masama, kahalayan, kaimbutan at kawalan ng malasakit sa ating mga kapwa ay atin din naman itong aanihin. Kung tayo naman ay naging mapagbigay, mapagmahal, mapagmalasakit at likas na mabuti sa ating kapwa ay tiyak na tayo ay magkakamit din ng katumbas o di kaya'y higit pa sa kabutihang ating ibinahagi. Tayo ay parang isang magsasaka na naghahasik ng buto sa isang malawak na lupain. Sa paglipas ng panahon, ating makikita na ang buto na ating ikinalat sa lupain ay yayabong at lalaki. Ganyan din ang ating mga tinuturan sa ating kapwa, mabuti man ito o masama ay lalago ito at sa dulo ay sa atin din ito babalik.

Show More

Ito lamang ay isang malinaw na patunay na tayo ay mahal ng ating Diyos Amang sa tin ay lumikha. Bakit? Dahil sa kabila ng kaniyang pagiging makapangyarihan sa lahat ay hinayaan niya pa rin tayong mag pasya para sa ating sarili. Binigyan niya tayo ng pagkakataon na gumawa ng desisyon at gawin ang sa tingin nating makakabuti sa atin. Sa huli ay lagi nating tandaan na ang mga ginagawa natin sa ating kapwa pa rin ang magiging batayan ng Diyos pagdating ng araw ng paghuhukom kaya't habang nabubuhay tayong mga tao ay ating ugaliin na laging sumunod sa mga aral ni Kristo.

Kaya nga ngayong Ikaapat at Huling Sabado ng buwan ng Hunyo, para isabuhay ang isang talata sa bibliya, ating pakinggan si Bro. Miguel Pabillare.

Ating ayain ang ating mga ka-pamilya, kaibigan, at mga katrabaho!
Sabay sabay po tayong magpuri at sumamba sa Diyos Ama.

You are More Than Enough Philippines
Please Subscribe to our YouTube Channel and hit the bell button for more updates!
https://www.youtube.com/channel/UCZZx...

TESA Official
https://www.youtube.com/channel/UCq9v...

Also Please like and follow our Facebook page:
https://www.facebook.com/YouAreMoreTh...

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press