SA DUYAN NG BAYAN (Lyric video) | Noel Cabangon, Ebe Dancel, Gloc-9


JesCom Music

543 views

Sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, inihahandog ng Jesuit Music Ministry ng Jesuit Communications Foundation ang pinakabagong awiting alay namin para sa bawat Pilipino — "Sa Duyan Ng Bayan"

Sa Duyan ng Bayan
Tampok sina Noel Cabangon, Ebe Dancel at Gloc-9
Musika at Titik ni Krina Cayabyab
Karagdagang Titik ni Gloc-9
Pagsasaayos ni Paulo Zarate

Show More

Papaano mo ba malalaman
kung ang katuwiran ng 'yong hangarin
ay ang wasto at tapat?
Hanapin mo sa pag-aninaw

Papaano mo nga ba mahaharap
ang pangyayaring maaaring
magbigay pahamak?
Hindi mo kaya nang mag-isa

Hahayaan mo bang tumuloy-tuloy
ang paulit-ulit na pasisiil?
Oras na para alintanahin

Baka nama'y iba ang 'yong karanasan
Ngunit nandito ka at kapwa nitong bayan
Makisama at pagnilay-nilayan
Balikan ang dapat tandaan

Sindihan!
Ang 'yong paniniwala't paninindigan
Sindihan!
Kasama natin ang Diyos sa bayanihan
Sindihan!
Mo ang pananampalataya
Ikaw ang liwanag sa duyan ng bayan.

Papaanong iwasang malunod
ang mga kuwentong umaawit ng totoo?
Humakbang para sa katarungan

Pilit ba nating takpan ang mga tainga
sa mga boses na dumaraing at nawawala?
Alalayan mo ng pag-asa

Hindi ba natin nararamdaman
ang halo-halong pulso ng nakararami?
Oras na para alintanahin

Baka nama'y iba ang ating karanasan
Ngunit nandito tayo't kapwa nitong bayan
Makisama at pagnilay-nilayan
Balikan ang dapat tandaan

Sindihan!
Ang 'yong paniniwala't paninindigan
Sindihan!
Kasama natin ang Diyos sa bayanihan
Sindihan!
Mo ang pananampalataya
Ikaw ang liwanag sa duyan ng bayan.

Ga’no kalalim ang kaya mong lusungin?
Ga’no kainit ang kaya mong magpadarang?
Mapanganib ay lulusungin
Puwede mo bang akuin kahit walang makaalam?
Alang-alang sa paniniwala
Kung sa’n mo nakuha ang tunay na pagmamahal
Malasahan man natin ang luha
hindi man humupa
Maghintay man ng matagal
Diligan ang mga tuyong
damdamin at pusong bumubulong
Kahit na uhaw na uhaw ka na
kaya mo pa rin ba na hindi uminom?
Latayan ng ‘yong balat,
tinig ay ‘di mamamalat
Walang sumisigaw
Hawak ang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press