Sa isang sulok ng Paraiso (MCGI)


Sa isang sulok ng Paraiso
Jan Casey

Stanza I       
Hindi ako karapat dapat ibigin
'Pagkat ganda at yaman ay salat sa akin   
Mahina't hamak kung ako ay ituring
Sa pagkatao'y walang sukat purihin

Show More

Pre-chorus I   
Sa kabila ng aking kaliitan
'Di maubos isipin ginalang Mo't inibig

Stanza 2
Saksi ang buhay sa 'di ma-sayod Mong habag
Bawat datnang umaga'y pag-asa ang hayag
Kaya't dalangin ay Iyong pahirin
Karumihan ng puso ko'y linisin

Pre-chorus II
Gawing mapalad aking kaliitan
Ang 'Yong abang alipin,
nais na makarating

Chorus
Sa isang sulok ng 'Yong paraiso
Kung saan Ika'y matatanaw
Iyong mukha'y mamamasdan, masisilayan
Aking hinihintay, aking hinihintay

Sa isang sulok ng 'Yong paraiso
Kung maabot at makapanahan
Pangarap ko ay makamtan buhay walang hanggan
Ligaya na tunay, ligaya na tunay

Stanza
Ikaw na nga lamang ang dahil ng buhay
sa mundong kay lupit na aking nilalakbay
Maging ang hirap na nararanasan,
nahaharap 'pagkat Ika'y nariyan

Pre-chorus
Aliw Ka lagi sa 'king kaliitan
Inaasam na langit,
nais na makamit

Chorus
Sa isang sulok ng 'Yong paraiso
Kung saan Ika'y matatanaw
Iyong mukha'y mamamasdan, masisilayan
Aking hinihintay, aking hinihintay

Sa isang sulok ng 'Yong paraiso
Kung maabot at makapanahan
Pangarap ko ay makamtan buhay walang hanggan
Ligaya na tunay, ligaya na tunay

Bridge
Hindi pagpapalit sa sandaling tamis
na ang dulo'y pait
Kahit may luha ay tiwalang higit
Ako'y ihahatid, ihahatid

Chorus
Sa isang sulok ng 'Yong paraiso
Kung saan Ika'y matatanaw
Iyong mukha'y mamamasdan, masisilayan
Aking hinihintay, aking hinihintay

Sa isang sulok ng 'Yong paraiso
Kung maabot at makapanahan
Pangarap ko ay makamtan buhay walang hanggan
Ligaya na tunay, ligaya na tunay

Listen to hundreds of gospel songs composed by the members of the Church including Bro. Eliseo Soriano and Kuya Daniel Razon.

All videos are accompanied by lyrics so you can sing along with the songs. Stream in the comfort of your home or while travelling.

Please Subscribe and hit the

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press