SANAY MAKATAGPO| SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

239 views

SANAY MAKATAGPO
                By: Hope_Less
Produced By: MERCY BLESS

sa mundong di tayo sigurado
sa tao kung anu ang kanyang motibo
sana'y makatagpo parin ako ng taong sakin sigurado 
hindi ko naman ginusto na umabot sa puntong ito sanay ito na ang huling kwento
di naman perpekto pero ayoko rin ng laro
pasensiya na kung ganito ako ayoko lang magawang temporaryo

Show More

kay hirap kalimutan ang alaala ng nakaraan
yung tipong may taong darating pero mawawala rin
sasabihing mahal ka sa huli sakit lang ang yung mapapala 
kaya pagsuko ang aking huling salita 
tama nga ang sabi nila sa una lang lahat masaya na akala mo siya na hindi pa pala

masakit balikan ang alaalang minsan ako'y naging pansamantala
alaalang para sa akin ay masakit pakinggan
na mas lalo akong sinasampal ng katotohanan
katotohanang naiwan akong luhaan dahil sa aking katangahan
pasensiya na akoy nagmahal lang naman

sa panahon ngayon may bagay talaga na mawala muna bago nila makita ang yung halaga
kaya mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga kisa naman pumatol sa lalaking sa umpisa lang lahat magaling
subalit sa huli salita'y kinain lang rin
ayoko ko ng may makikilala pa at sakit lang ulit ang aking mapapala 
nakakapagod na salamat sa simpleng saya 
pero siguro tama na ako'y pagod na

sub count :
227,103 Subscribers

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press