SATANAS, AT MGA BAGAY NA HINDI MO PA ALAM TUNGKOL SA KANYA


TOTOO BA SI SATANAS? O ISA LAMANG GAWA GAWANG IMAHINASYON PARA TAKUTIN ANG TAO?

Ang istorya ni Lucifer ay inilarawan sa dalawang mahahalagang kabanata sa Lumang Tipan, isang propesiya at talinghaga sa aklat ni Ezekiel 28:12-17 at Isaiah 14:12-15.

Show More

Kung saan ang panaghoy ni Ezekiel ay inutos para sa hari ng Tiro, mahalagang maunawaan natin na ito ay isang propesiya sapagkat ang mga katangian na inilahad sa mga talata ay hindi maaring kumatawan sa hari ng Tiro. Sapagkat ang paglalarawan sa hari, ay tungkol sa nilalang na ang mga katangian ay higit sa pangkaraniwang tao.

Katulad na lamang halimbawa ng "full of wisdom, and perfect in beauty" (verse 12), "he was in the garden of eden" (verse 13), "he was the anointed cherub" "he was at the holy mount of God" (verse 14), "he was blameless and perfect in ways 'till iniquity was found in him" (verse 15), "he was cast out of the mountain of God and thrown to the earth" (verse 16).

Sinasabi sa atin ng mga talata na ang nilikhang nilalang na ito, ay iniwan ang kanyang perpektong kalagayan. Siya ay sakdal sa kanyang mga lakad hanggang sa masumpungan sa kanya ang kasamaan. Ano ang kasamaan na ito? Mababasa natin sa Ezekiel 28:17, “Ang iyong puso ay naging mapagmataas dahil sa iyong kagandahan, at iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan.”

Ipinahamak si Lucifer ng sobrang paghanga sa sarili niyang kagandahan, katalinuhan, kapangyarihan, at posisyon, kaya nagsimula siyang hangarin para sa kanyang sarili, ang Karangalan at Kaluwalhatian na sa Diyos lamang nakalaan. Ang kasalanan na sumira kay Lucifer ay sariling pagmamataas. Pinili niyang maghimagsik laban sa Diyos na Dakilang Lumikha.

#letusstudythebible #bible #inspiration #lucifer #satanas #devil

Show your SUPPORT to The Truth and God's Work in the last days.
"SHARE, COMMENT, LIKE & SUBSCRIBE!"

Images from:
Pexels https://www.pexels.com/

Music by:
Audio Library

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press