SDA Contradiction | Sino sa dalawa ang tunay na founder ?
Walang sinomang ang nakakatupad ng sampung utos dahil ayon sa Santiago 2:10 ang makalabag sa isa ay nakalabag sa lahat. Sabbath sila ng sabbath pero sinasalungat naman ang utos na huwag magbintang ng kasinungalingan sa kapwa. Itinuturo ng mga SDA na iba ang Catholic Church sa Roman Catholic Church at ang founder daw ng Roman Catholic Church ay si Emperador Constantino, pero iba ang patotoo ng iba dahil ang founder daw ng Roman Catholic Church ay si Pope Gregory I, alin kaya sa dalawa ang totoo at alin sa dalawa ang mali ?











