๐Ÿ“–Si Hagar at si Ishmael ๐Ÿ‘‰ GENESIS 16 Bersikulo 1-16 ( King James Version )


GENESIS 16
Si Hagar at si Ishmael
1Si Sarai na asawa ni Abram ay hindi magkaanak. May alipin siyang babae na taga-Egipto na ang pangalan ay Hagar. 2Sinabi ni Sarai kay Abram, โ€œDahil hindi pinahintulutan ng Panginoon na magkaanak ako, mabuti pa sigurong sumiping ka sa alipin kong babae, baka sakaling magkaroon tayo ng anak sa pamamagitan niya.โ€
Pumayag si Abram sa sinabi ng kanyang asawa. 3Kaya ibinigay ni Sarai si Hagar kay Abram para maging asawa nito. (Nangyari ito matapos manirahan si Abram sa Canaan ng sampung taon.) 4At nagbuntis nga si Hagar.
Nang malaman ni Hagar na buntis siya, hinamak niya si Sarai. 5Dahil dito, sinabi ni Sarai kay Abram, โ€œNgayong buntis na si Hagar hinahamak na niya ako. Ikaw ang dapat sisihin. Ibinigay ko siya sa iyo at ikaw dapat ang sumaway sa kanya. Ang Panginoon na ang humatol kung sino sa atin ang tama.โ€
6Sumagot si Abram, โ€œKung ganoon, ibabalik ko siya sa iyo bilang alipin mo at bahala ka kung ano ang gusto mong gawin sa kanya.โ€ Simula noon, hindi naging maganda ang pakikitungo ni Sarai kay Hagar, kaya lumayas na lamang ito.
7Nakita si Hagar ng anghel ng Panginoon doon sa bukal ng tubig sa ilang. Ang bukal na ito ay malapit sa daan na papuntang Shur. 8Tinanong siya ng anghel, โ€œHagar, alipin ni Sarai, saan ka ba nanggaling at saan ka pupunta?โ€
Sumagot siya, โ€œLumayas po ako sa amo kong si Sarai.โ€
9Sinabi ng anghel sa kanya, โ€œBumalik ka sa amo mo at magpakumbaba ka sa kanya.โ€ 10Pagkatapos, sinabi pa ng anghel,
โ€œPararamihin ko ang lahi mo na ang dami nilaสผy hindi mabibilang.โ€
11At sinabi pa ng anghel ng Panginoon sa kanya,
โ€œBuntis ka na at hindi magtatagal ay magkakaanak ka ng lalaki. Pangangalanan mo siyang Ishmael, dahil pinakinggan ng Panginoon ang pagtawag mo sa kanya dahil sa iyong pagtitiis.
12Pero ang anak mo ay mabubuhay na katulad ng isang asnong-gubat. Kakalabanin niya ang lahat, at ang lahat ay lalaban sa kanya. Kahit ang mga kamag-anak niya ay lalaban sa kanya.โ€
13Tinawag ni Hagar na โ€œDios na Nakakakitaโ€ ang pangalan ng

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press