Sigaw Ng Puso by Grace Vidad Original Christian Song
Dumating ka na ba sa punto na ikaw ay nagdesisyon sa buhay na hindi kasama ang Panginoon at ikaw ay nagkamali at nabigo at naranasan mo ang bunga ng iyong pagkakamali o consequences ng iyong hindi pagsunod? Pero... hindi ka iniwan ng Panginoon at hindi mo maintindihan ang pagibig ng Panginoon sa'yo na kahit ano pa ang ginawa mo ay "Mahal ka pa rin Niya" at ni minsan hindi nagbago ang pagtingin Niya sa'yo. Baka relate ka sa awiting ito kapatid... At baka ito rin ang isinisigaw ng PUSO mo ngayon.
Sigaw Ng Puso
By Grace Vidad
Show More
Verse
Sa aking pagkakamali
Patawad ang Iyong sukli
Buhay ay inialay Mo
Para lamang sa tulad ko
Verse
Sa dami ng pagkukulang
Ni minsan ay di mo iniwan
Buhay na salita Mo ang aking kalakasan
Chorus
Sigaw ng puso ko Panginoon
At ninanais ko
Ay magbigay ng karangalan at
Papuri Sa'yo
Ang lakas kong taglay Sa'yo ibibigay
Buong buhay aking alay
Sa Iyo Hesus na nagmahal
Sa akin ng tunay
Bridge
Kaya naman ngayon Panginoon
Ikaw ay pupurihin
Ang Pangalan Mo'y aking sasambahin











