SIGURADO PERO KOMPLIKADO | SPOKEN WORD POETRY | COLLAB FOR ALL


MERCY BLESS

4,437 views

SIGURADO PERO KOMPLIKADO
written by: Hannah Fuirtes
voice & edit: Mercy Bless

Matagal-tagal na rin nagmula Ng maiwan
Ako mag Isa
Hindi na pamilyar sa'kin Ang
Pakiramdam Ng totoong saya
maaring may Mga sandaling
naririnig ninyo Ako tumawa.

Show More

Subalit may pagkakataong ramdam ko parin Ang sakit
May mga sandaling ikukubli Ang kirot sa pagpikit,
Para sa muling pagmulat ay ay nakangiti na ulit.

Naging matagal Ang aking pag-usad,

naging masakit Ang aking paglimot.

Ayos lang kung matagal bago ko
natagpuan Ang paghilom.
Ayos lang kung naglaan Ako Ng mahabang panahon
Dahil pinili ko Ang mahabang proseso
kahit matagal alam ko namang sigurado

Sa wakas nakayanan ko nang kumilala Ng bago
Kahit nakakatakot handa sanang isugal Ang puso
Pero Hindi pwede- Kasi Malabo

Kung kailang handa na ulit
Akong tumaya,
bawal dahil Ang Tadhana
ay muli namang nandaya.

Dahil....
Kung kailan natagpuan ko na Ang taong sigurado,
tsaka ñaman Hindi pwede- Kasi KOMPLIKADO.

Music: https://youtu.be/VQ3rT6iX3Y4

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press