SPIRITUAL BATTLE: 7 maka-Diyos na Sandata para Manalo Part 1


Kaibigan nakakaranas ka ba ng mga hindi pangkaraniwang temptation? o nakakaranas ka ba ng prompting na pagdudahan ang Salita ng Diyos o kaya nararanasan mo ba yung mga sirkumstansya na sobrang bigat ng pressure sa atin na nagiging dahilan para lumayo tayo sa Diyos o kaya temptation sa isang kasalanan na dati hindi mo naman ito struggle pero ngayon bakit nagiging struggle mo na siya. Nakakaranas ka ba ng mahabang discouragement sa buhay o na nagbubunga para hindi ka magfunction ng normal o matindi ba ang ang tawag sa iyo ng laman na napipilitan kang mag compromise o kaya hindi mo mapigilan na hindi magalit sa ibang tao at magtanim ng sama ng loob. Meron ka bang desires na i-giveup ang iyong Christian life oh isipin na hindi totoo ang Grace ng Diyos at maniwalang nakasalalay sa gagawin mong good works ang iyong Salvation. O nakakaranas ka ba na maging kritikal sa ibang mga tao o kaya nagbibigay ka ng mga excuses sa kawalan mo ng paglagong espirituwal kaibigan ilan lang ito sa katunayan na merong spitual battle.

Si Satanas at ang kanyang mga kampon ay hindi tumitigil para tayo wasakin. Ang Goal nila ay dalhin tayo sa kasalanan, guluhin ang ating buhay upang alisin natin ang ating mata sa Diyos at lumayo sa kanya. Kaya nga tayo ay kailangang magingat at mapagbantay sabi sa

Show More

1 Pedro 5:8
Magandang Balita Biblia
8 Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa.

Kaibigan ang sabi dito ay maging handa tayo at magbantay ang ibig sabihin ay totoo ang Diablo. Hindi ito sasabihin ni Pedro kung hindi ito totoo at ang sabi diyan ang Diablo ay hindi natin kakampi ang ibig sabihin wala siyang mabuting hangad sa atin ang hangad niya ay wasakin tayo kaya siya ay kaaway natin. Napakasipag niya na umaaligid 24 7 at inaantay niya na tayo ay kanyang lapain. Kaya nga kaibigan wag mong iisipin na hindi totoo ang Diablo dahil hindi mo sya mapaghahandaan kung hindi ka naniniwala sa kanya. Sabi ni

CS Lewis

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press