SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

4,061 views

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
SANA, HINDI MO NALANG AKO SINALO
By: PLEN ROTAO
VOICE & EDIT : MERCY BLESS

sana hinayaan mo nalang akong mahulog,
kakayanin ko naman sanang tumayong mag-isa.

Show More

kaya lang, dumating ka.
sa hindi ina asahang panahon,
sa isang iglap muli kong naramdaman
nagising ang puso kong matagal namahinga,
matagal ng walang nagpapasaya.

muling sumilay ang ngiti,
ang saya na ngayon ko lang ulit nadama.
muling natagpuan ang pag ibig na akala ko,
hindi ko na makikita.

natutuwa ako sa tuwing makikita kita,
kapag naririnig kitang kumakanta.
ayaw kong isipin na ang mga yun ay para sa akin,
ngunit sa pasimple mong pagpaparinig,
natutuwa ako, kinikilig ako, at oo marupok nga ako.

ang inakala kong pag hanga lang,
akala ko natutuwa lang ako sayo, nababaitan.
pero itong puso ko na ayaw makuntento, minahal kana pala ng patago.

pinagdasal ko, na sana magkaroon ulit tayo ng pagkakataon,
na ang mga mata natin ay magtagpo,
upang makita mo na ikaw lang ang nais titigan nito.

ngunit kapag nandiyan kana,
hindi ko mawari ang kabang nadarama,
ni hindi kita matingnan sa mata. hindi ko kaya.

hanggang napagod akong mag hintay,
napagod akong umasa sa isang pag ibig
na ako lang ang may alam.

ilang beses akong humingi ng senyales
na sana muli kang lumapit sakin,
at saka sasambitin ang mga salitang sa akin ay nais iparating.

pero sadyang ganun talaga,
ako lang kase to.
umasa, na baka ikaw na ang matagal kong inaantay.
na baka ikaw na ang taong babago sa pananaw ko sa buhay.

mali, isang pagkakamali na tayo ay nagkatagpo.
kung maibabalik ko lang ang eksena ng gabing yun.
sana hindi mo nalang ako sinalo.

dahil sa pagkakadapa, makakabangon ako agad,
mabilis hihilom ang sugat at mga gas gas.

ngunit ang sugat na dinulot ng pagkahulog ko sayo,
ay hindi basta basta mabubura.
kaya sana, hindi mo nalang ako

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press