SPREAD KINDNESS (KARMA IS REAL
Nasusukat ang pagkatao mo kung paano mo tinatrato ang ibang tao. Magpakabait ka sa lahat. Kaya mo namang gawin 'yon, 'di ba? Magpakabait ka. Magbabago ang mundo kung uumpisahan mo sa sarili mo. 'Wag kang maghintay na may gagawa nito, ikaw ang magiging halimbawa nila. Magpakabait ka. Kasi hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ng ibang tao. Hindi mo alam na may pinagdadaanan rin sila. Hindi mo alam kung ano ang dulot ng mga salita mo. Hindi mo alam kung ano ang dulot ng presensya mo. Hindi mo alam kung ano ang pagbabago na dala mo sa buhay ng isang tao. Dapat ikaw ang mabuting impluwensya sa lahat.











