SUNDAY HOLY MASS TODAY LIVE August 27, Linggo HEALING MASS 5 A.M..


9,587 views

Holy Mass Today Live - Sunday Healing Mass 27 August 2023
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Twenty-First Week in Ordinary Time

Isaias 22, 19-23
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6 at 8bk
Pag-ibig mo’y di kukupas, gawain mo’y magaganap.
Roma 11, 33-36
Mateo 16, 13-20

Show More

PANALANGIN NG BAYAN

Sa Ebanghelyo ngayon, pinaaalalahanan tayo tungkol sa panahong itatagal ng Simbahan at sa kakayahan nitong manindigan laban sa mga pang-aatake rito ng demonyo. Bilang mga anak ng Simbahan, tayo’ y dumulog sa Panginoon para sa mga pangangailangan nito bilang pamilya ng Diyos sa lupa. Manalangin tayo:

Panginoon, dinggin ang aming panalangin!

Para sa Simbahan, ang bagong Bayan ng Diyos: Nawa magpunyagi siya sa katapatan sa kanyang Tagapagtatag habang sinusubay-bayan siya nang buong malasakit, lakas, at pagmamahal. Manalangin tayo!

Panginoon, dinggin ang aming panalangin!

Para sa Santo Papa, ang kahalili ni Pedro bilang pinaka-Pastol ng Simbahan: Nawa patuloy niyang malasap ang pamamatnubay ng Panginoon at ang kanyang pagtatanggol laban sa kasamaan. Manalangin tayo!

Panginoon, dinggin ang aming panalangin!

Para sa mga obispo, ating kura paroko, at lahat ng iba pang pinuno ng Simbahan: Nawa patnubayan nila ang kawan ng Diyos sa ulirang katapatan sa Dakilang Pinuno upang maging inspirasyon at pampasigla sa atin. Manalangin tayo!

Panginoon, dinggin ang aming panalangin!

Para sa ating mga pinunong pambayan at mga nanunungkulan: Nawa itaguyod nila ang kapakanan ng mga tao sa pamamagitan ng makatarungang mga batas. Manalangin tayo!

Panginoon, dinggin ang aming panalangin!

Para sa kabataan ng daigdig, lalo na para sa mga nagdarahop sa mga materiyal at moral na pangangailangan: Nawa ang Simbahan ay maging patnubay nila at tagapagsulong ng kanilang kapakanan. Manalangin tayo!

Panginoon, dinggin ang aming panalangin!

Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, salamat sa paghirang mo sa aming maging bahagi ng Simbahang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press