Surrender to the Potter's Hands Part 3


Join our Online Discipleship Group, register here: https://forms.gle/TrfuEdmkWYc5dR5u7

Mga kapatid, may mga pagkakataon ba sa buhay ninyo na naramdaman ninyo na out of control na ang lahat? Yung feeling na parang nasa washing machine kayo - umiikot, ng umiikot, pero hindi ninyo alam kung saan kayo pupunta? Yung tipong gusto ninyong hawakan ang manibela ng buhay ninyo, pero parang nasa kamay ng iba ang steering wheel?
Halimbawa nawalan ka ng trabaho ng maraming taon at frustrated ka kasi hindi mo makontrol ang sitwasyon. Akala mo dati kontrolado mo na ang career mo, may plano ka, may direction. Tapos biglang boom - nagkaron ng retrenchment. Hindi lang nawala ang work mo, nawala rin ang confidence mo, nawala ang sense of direction mo. At narealized mo na hindi mo kayang kontrolin ang future mo.
Pero by God’s grace sa pinakamadilim na panahon ng buhay mo, natutunan mo ang pinakamahalagang lesson. Mas maganda palang maging clay sa kamay ng Potter kaysa maging potter ng sarili mong buhay.
Kaibigan, sa series nating "Masterpiece," nakikita natin kung paano tayo ginagawang obra maestra ng ating Panginoon. At ngayong linggo, pag-uusapan natin kung paano tayo dapat mag- Surrender sa kamay ng Potter.
Kasi tingnan mo, yung problema ng karamihan sa atin ay gusto nating maging potter ng sarili nating buhay. Gusto natin na tayo ang mag-shape sa circumstances, tayo ang mag-control sa timing, tayo ang mag-design ng future natin. Pero ang totoo, tayo ang clay, at ang Diyos ang Potter. Siya ang tagahulma sa atin. At tinitiyak ko sayo na Mas alam ng Potter kung ano ang makakabuti sa atin. Kaya nga may pagkakataon na sa paghuhulma ng Diyos sa atin ay masasaktan tayo. Pero ang kapalit naman nito ay ang ating paglago at katatagan.
Kaya nga tapusin mo ang mensahe na ito, dahil ang lahat ng sirkumstansya ng buhay natin ay hindi aksidente at kasama ito sa pagmomolde ng Diyos sa atin bilang Kanyang masterpiece.

Show More

Surrender to the Potter's Hands
1- "RECOGNIZE" - God's hand in everything
2-

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press