Tagalog Christian Dance | "Ako ay Labis na Malapit sa Diyos" | Praise Song


Tagalog Christian Dance | "Ako ay Labis na Malapit sa Diyos" | Praise Song

I
Pag lumalayo ang Diyos sa akin, mga mata ko'y lumuluha,
at Siya'y ngumingiti't kumakaway sa'kin.
Napakarami kong nais sabihin sa Kanya,
ngunit ngayon, ako'y walang masabi.
Naiisip panahong kasama'ng Diyos, mga tagpo ng tawanan at galak.
Di dapat limutin kung ga'no karami ang binigay Niya upang tayo'y maligtas.
Mga tapat Niyang turo'y dala'y pag-asa.
Nakatatak sa'king puso, ito'y umaakay sa'kin.
Kapag naiisip ko ang Diyos, katamisa'y dama sa puso.
Inaasam ko, O, inaasam ko, inaasam kong makita Siyang muli!

Show More

II
Habang lumalayo ang Diyos sa akin, 'di ko Siya nais bitawan.
Lumilingon at kumakaway Siya sa'kin.
Hiling ko sa Kanya na manatili,
ngunit 'di maaari at puso ko'y nasasaktan.
Araw-araw ang mga turo Niya ang humihimok sa akin.
Sa puso'y matatag, umaakay upang sundan Siya.
Araw-araw kong daranasin salita ng Diyos,
tungkulin ko'y gagawin upang suklian pagmamahal Niya sa'kin.
Kapag naiisip ko ang Diyos, katamisa'y dama sa puso.
Inaasam ko, O, inaasam ko, inaasam kong makita Siyang muli!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press