Christian Dance | "Nais Kong Makita ang Araw ng Kaluwalhatian ng Diyos" | Praise Song
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Christian Dance | "Nais Kong Makita ang Araw ng Kaluwalhatian ng Diyos" | Praise Song
I
Ngayon tinatanggap ko ang paghatol ng Diyos,
at bukas ay tatanggapin ko ang Kanyang mga pagpapala.
Handa akong ibigay ang aking kabataan at ialay ang aking buhay
upang makita ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos.
Siya ay gumagawa at nagpapahayag ng katotohanan,
nagkakaloob sa tao ng daan ng buhay.
Ang mga salita ng Diyos at ang pagmamahal ng Diyos
ay bumighani sa aking puso.
Handa akong tunggain ang mapait na saro at magdusa upang matamo ang katotohanan.
Titiisin ko ang kahihiyan nang hindi dumaraing.
Nais kong gugulin ang buhay ko na ginagantihan ang biyaya ng Diyos.
II
Nang may mga ipinagkatiwala ng Diyos sa aking puso,
hindi ako kailanman magpapasakop kay Satanas.
Kahit mapugot ang aming ulo at dumanak ang aming dugo,
hindi maaaring yumuko ang gulugod ng mga tao ng Diyos.
Magbibigay ako ng matunog na patotoo para sa Diyos,
at ipapahiya ang mga diyablo at si Satanas.
Pauna nang itinakda ng Diyos ang pasakit at mga paghihirap,
magiging matapat at masunurin ako sa Kanya hanggang kamatayan.
Hinding-hindi ko na muling paiiyakin ang Diyos
at hinding-hindi ko na siya pag-aalalahanin.
Iaalay ko ang aking pagmamahal at katapatan sa Diyos
at tatapusin ko ang aking misyon upang luwalhatiin Siya.
III
Ang mga salita ng Diyos ay nagbibigay sa akin ng pananalig,
at nang may matibay na kalooban, susunod ako sa Diyos hanggang sa huli.
Hangga't mayroon akong hininga, patuloy akong mangangaral ng ebanghelyo
at magpapatotoo sa Diyos nang may di-natitinag na determinasyon.
Pinupuri ko ang Diyos nang buo kong puso at isipan,
at inaalay ang aking bagong awit at sayaw.
Binubuksan ko ang aking puso at ibinubunyag ang aking damdamin,
at inaalay ko ang aking tunay na puso sa Diyos.
Ang puso ko ay magpakailanmang nakaugnay sa Diyos.
Pagdating ng araw ng kaluwalhatian Niya,
magtitipon tayo sa paligid ng luklukan at masayang magsasayawan;
at pupurihin natin ang Diyos magpakailanman.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.