Tagalog Christian Dance | "Tinatamasa Ko ang Pagmamahal ng Diyos" | Praise Song
Tagalog Christian Dance | "Tinatamasa Ko ang Pagmamahal ng Diyos" | Praise Song
I
Nagagalak ang puso ko na maitaas sa harap ng Diyos.
Kay tamis tamasahin ang mga salita Niya.
Banayad man o mahigpit, mga salita Niya sa akin ay nagdadala ng pakinabang.
Nauunawaan ang katotohanan, puso ko ay malaya.
O, minamahal kong Makapangyarihang Diyos.
Napakahalaga nitong ipinagkaloob na katotohanan!
Bagong salita at liwanag.
Tunay na masayang magkaroon ng gabay ng Diyos
at mamuhay sa liwanag.
Show More
II
Araw-araw akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos
at namumuhay sa harap Niya.
Nagbabago ang disposisyon ko sa paghatol ng Diyos.
Tamis sa pasakit, mga luha sa pagtawa—
nilalasap ko ang lahat ng iyon.
Bunga ng buhay ay hinubog ng kamay ng Diyos.
O, minamahal kong Makapangyarihang Diyos.
Napakaganda ng matuwid Mong disposisyon!
Mga salita Mo'y humahatol at nagbibigay-inspirasyon.
Nililinis at inililigtas Mo kaming mga tao.
III
Anong pagpapala ang matamasa ang pagmamahal ng Diyos!
Hindi walang saysay ang buhay 'pag nakamit natin ang katotohanan.
Tapat nating iginugugol ang sarili, hindi takot sa hirap o pagod.
Tanggap natin ang atas ng Diyos, pinoproklama't pinatototohanan Siya.
O, minamahal kong Makapangyarihang Diyos.
Nagdusa Ka nang husto para iligtas ang mga tao.
Inaalay namin ang aming puso sa 'Yo.
Buong puso't isipan naming gagawin ang aming tungkulin para masuklian Ka.
O, mga kapatid,
magkaisa tayo sa puso para mahalin ang Diyos,
sundin ang kalooban Niya't isaalang-alang ang mga layunin Niya.
Hangarin natin ang katotohanan at isabuhay ang wangis ng tao
para luwalhatiin ang Diyos.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang











