Tagalog Christian Music|"Ano ang Magiging Tadhana ng Isang Tao sa Huli?"


Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad.
Messenger: https://m.me/GodIsGoodAllTheTime2022?ref=website--YTB--JJ-SG

Tagalog Christian Music|"Ano ang Magiging Tadhana ng Isang Tao sa Huli?"
I
Dapat mong malaman ang mga nasa loob mo:
May tala ba ng pagdurusa para sa Diyos?
May tunay na pananampalataya't katapatan ka ba?
Tunay ka bang nagpasakop nang lubusan sa Diyos?
Kung "hindi" ang sagot sa mga katanungang ito,
kung malaman mong tunay na wala ka ng mga bagay na 'to,
may nananatili sa loob mong pagsuway,
at mayroon ding reklamo, panlilinlang, at kasakiman.

Show More

Dahil ang puso mo'y malayo sa pagiging tapat,
ibig sabihin ay 'di ka pa nabuhay sa liwanag.
Nangangahulugan din na 'di mo pa natanggap
ang positibong pagkilala ng Diyos.

Ang magiging tadhana ng isang tao sa huli
ay depende sa dalawang bagay na ito:
kung siya'y may pusong tapat at kasimpula ng dugo,
at kung siya'y may kaluluwang dalisay sa kalooban niya.

II
Kung ika'y isang taong lubhang hindi tapat,
o kung isa kang may pusong may masamang hangad
o may maruming kaluluwa, ang nakatala na tadhana mo
ay tiyak na sa kung saan ang tao'y parurusahan.
At kung sinasabi mong ikaw ay matapat,
ngunit kilos mo'y 'di naaayon sa katotohanan,
at wala kang kakayahang magsabi ng totoo,
bakit ka naghihintay na gantimpalaan ka ng Diyos?

Umaasa ka pa rin bang ituring ng Diyos
na para bang ikaw ang pinakatatangi Niya?
'Di mo ba nararamdaman na malaking kahibangan
na mag-isip ka ng ganito?

Ang magiging tadhana ng isang tao sa huli
ay depende sa dalawang bagay na ito:
kung siya'y may pusong tapat at kasimpula ng dugo,
at kung siya'y may kaluluwang dalisay sa kalooban niya.

III
Kung palagi mong nililinlang ang Diyos,
kung iyong mga kamay ay napakarumi,
paano mo naiisip na ang tahanan ng Diyos ay
maaaring tumanggap ng isang tulad mo?

Ang magiging tadhana ng isang tao sa huli
ay depende sa dalawang bagay na ito:

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press